11

MAY 2023

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jericho Arceo & Written by Karen Mae C. Guarin

Nag-aatubili pa si Lot ngunit sa habag ni Yahweh, halos kaladkarin na sila ng mga lalaki palabas ng lunsod.

Genesis 19:16

Nakaladkad ka na ba o nakakita ng taong kinakaladkad? Masakit, di ba? Ang intense rin ng sitwasyon. Parang scene lang sa isang soap opera!

Our verse for today is about God’s compassion toward Lot and his family. Ang dalawang lalaking kumaladkad sa kanila ay ang mga anghel na ipinadala ni God. He sent them para ilikas sina Lot bago Niya tuluyang sirain ang Sodom at Gomorrah through sulfur and fire (Genesis 19:24). 

Alam ni Lot na sugo ng Panginoon ang dalawang lalaking ito. Hindi rin kaila sa kanya that these cities are notorious for their wickedness. Pinalibutan pa nga ng mga lalaki ng Sodom ang bahay nila para gahasain ang dalawang anghel (Genesis 19:4-5)! Ganun na kasama at dangerous ang mga tao roon. 

Despite all the chaos and red flags, nag-hesitate pa rin si Lot na iwan ang Sodom. Nahirapan siyang humakbang palayo rito. Ito kasi ang lugar kung saan pinili niyang manirahan, bumuo ng pamilya, at magpalago ng kanyang mga ari-arian. But God cares for Lot’s welfare more than the things that concerns him. Dahil sa awa ng Panginoon, halos kaladkarin na sila ng mga anghel para lang mailabas ng Sodom.

Meron din bang pagkakataon na nasa harap mo na ang kapahamakan pero di pa rin buo ang loob mong iwan ito? Naranasan mo na bang makaladkad ni Jesus out of danger? Sometimes, God has to use His mighty hand to bring us to His loving arms.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, I’m sorry because despite Your warnings, there were times when I kept on insisting to stay out of Your will. Patawarin Mo po ako sa pagre-resist ko sa mga tulong na ibinibigay Mo sa akin. Thank You, Lord, for Your compassion and for rescuing me.

APPLICATION

Meron bang sitwasyon, tao, o bagay na gusto ni God na iwan mo na? ‘Wag ka nang magdalawangisip at manghinayang tulad ni Lot. Be assured that God’s directions are for your good and that youre safe in His arms.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 10 =