12

MAY 2023

The Story of Three Rings

by | 202305, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Kata Inocencio & Written by Thelma A. Alngog

Kahit nga dinanas ko ang hirap at madlang sakit, subalit ang aking lakas ay muli mong ibinalik, upang ako’y di tuluyang sa libingan ay mabulid.

Awit 71:20

May isang couple na namili ng wedding ring para sa kanilang kasal. Biglaan. Nabuntis kasi ng lalaki ang babae. After the wedding, very sweet naman sila. Pero after seven years, nasubok ang kanilang pagmamahalan. Kung dati sinabi ng lalaki na, “I will court you,” ngayon, babae na ang nanakot ng, “I will see you in court!” Ang pagsasama ng mag-asawa ay nauwi sa suffering.

Yes, they suffered dahil na-bankrupt ang negosyo nila, nangalunya ang lalaki, at bilang ganti, nangalunya rin ang asawa. An eye for an eye, a tooth for a tooth. Nagkaroon pa sila ng malaking pagkakautang na nagdulot ng patong-patong na demanda. Hindi pa roon nag-stop ang malaking problema ng mag-asawa. Bukod sa nagkasakit ang anak nila, sumabay pa ang pagkakaroon ng cancer ng ama ng lalaki na nasa hospital din.

Pero hindi rito natapos ang kuwento. This story of three rings ended happily when the couple encountered God, and they both gave an offering to the Lord. Bago namatay ang ama ng lalaki, nakiusap ito na balikan ang kanyang asawa’t mga anak. Namatay ang ama sa bisig ng lalaki kaya nangako itong babalikan ang pamilya. Sa pag-uwi ng lalaki, ang bunsong anak niya ay nag-aagaw-buhay din. Sa loob ng emergency van, nagkapatawaran ang mag-asawa habang hawak nila ang nag-aagaw-buhay nilang baby. Sabay silang nanalangin, “Lord we offer to you the life of our baby. Make us good parents. Forgive us, and we offer everything to you.” Mahimalang gumaling ang baby, ibinalik ni Lord ang business nila, at naglilingkod sila ngayon sa Panginoon.

Ang sumulat ng Awit 71 ay dumanas din ng hirap at matinding sakit sa buhay. Pero hindi siya tuluyang bumagsak dahil ibinalik ng Diyos ang kanyang lakas at pag-asa. Ang diyablo ang nagnanakaw, pumapatay, at naninira pero dumating si Jesus para magkaroon tayo ng masaganang buhay (John 10:10). Are you ready to offer your life to Jesus?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, I offer my life to You. Thank You for the forgiveness of all my sins. Reign in my heart, and let Your Kingdom come and Your will be done in my life. Amen.

APPLICATION

May kapamilya o kakilala ka ba na nakakaranas ng suffering sa buhay? Ipag-pray at i-encourage mo siya na lumapit at isuko ang kanyang buhay sa Panginoon.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 12 =