10

JUNE 2023

Disagreeing Agreeably

by | 202306, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Honeylet Adajar-Velves

Welcome to the second part of our series “Going Beyond Yourself.” Do you agree that we can disagree with others, agreeably? Tingnan natin kung anong sinasabi ng Salita ng Diyos tungkol dito.

Kayo’y maging mapagpakumbabá, mahinahon at matiyaga. Magmahalan kayo at magpasensiya sa isa’t isa.

Mga Taga-Efeso 4:2

Dinig sa buong subdivision ang away ng mag-inang Gina at Thalia. Ang dahilan: politika. Noong election season, nagtimpi si Thalia sa tingin niya ay baluktot na pananaw ng kanyang ina sa pagboto. But a day before the election, nalagot ang pisi ng pasensya ni Thalia at pinatulan niya ang ina. Bagama’t parehong tama ang opinyon ng dalawa, nagkasakitan sila at hindi nagkaintindihan dahil ang debate nila ay tuluyan nang nauwi sa away.

Marami sa atin ang nakaranas nito noong botohan ng 2022. Ang resulta: pamilyang hindi na nag-uusap at mga kaibigan na naka-block sa social media. Mga relasyong nalamatan nang dahil sa magkaibang pananaw.

Hindi masama na panindigan ang paniniwala natin. But as followers of Jesus, let’s be reminded that we must be careful of our words and actions when expressing our thoughts to others. Sabi nga sa Ephesians 4:2, “Be completely humble and gentle; be patient, bearing with one another in love.” Hindi naman ibig sabihin nito ay mananahimik na lang tayo sa ating opinyon. But instead, we will express it in love. Ilatag natin nang mahinahon ang point natin. If mayroong sumagot nang hindi ayon sa ating belief, then let’s disagree agreeably. A lot of times we fall into the trap of winning the argument despite hurting others. We must not give in! Pero kung gaya ka ni Thalia na nakipagsigawan na, then be humble enough to say sorry for hurting the person. At the end of the day, what matters is our relationship with them. Loving our neighbors is our God-given priority (Matthew 22:39).

Abangan bukas ang last part ng ating series on “Going Beyond Yourself.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, ayaw ko pong ipilit sa iba ang mga gusto ko’t paniniwala to the point na nasasaktan ko na sila. Help me to be humble, gentle, patient, and loving as You have commanded us. I pray this in Jesus’ name. Amen.

APPLICATION

Na-remind ka ba ni God how to treat others better? Share this devotion on your social media para marami pang maka-relate at ma-encourage through His word.

INSPIRATIONAL QUOTES

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 10 =