12

APRIL 2024

Puwedeng Magpahinga

by | 202404, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Camilla Kim-Galvez & Written by Marlene Legaspi-Munar

Hindi dapat pakahirap, magpagal sa hanapbuhay; maaga pa kung bumangon, gabing-gabi kung humimlay, pagkat pinagpapahinga ni Yahweh ang kanyang mahal.

Awit 127:2

Si Mang Hector, ang gabi ay ginagawang araw para maka-ipon ng pang-tuition fee ng dalawa niyang anak.

Si MJ, career muna ang priority bago lovelife, kaya panay ang overtime.

At si Mama Beth, pumapasok sa office sa araw, online selling naman ang raket sa gabi para makapagpatayo ng pangarap na bahay.

Napakasipag nina Mang Hector, MJ, at Beth. Nakakabilib dahil nagtitiyaga sila para maabot ang kani-kanilang goals. Pero si Mang Hector, may mga araw na nalilipasan ng gutom sa sobrang trabaho. Si MJ naman, halos wala nang social life. At si Mama Beth? Sobrang tipid para sa sarili at kapag magpapabili ng gamit ang anak, magsesermon muna siya nang napakahaba.

Sinasabi sa Bible na makakamit ng taong masipag ang kanyang hinahangad (Proverbs 13:4) at may pakinabang ang bawat pagsisikap (Proverbs 14:23). Pero may paalala rin ang Awit 127:2: “Hindi dapat pakahirap, magpagal sa hanapbuhay; maaga pa kung bumangon, gabing-gabi kung humimlay, pagkat pinagpapahinga ni Yahweh ang kanyang mahal.”

Nais ng Diyos na magpahinga rin tayo mula sa pagtratrabaho. God wants us to pause from our work so we can take care of our bodies. Balewala ang kayod nang kayod kung pagkatapos naman ay magkakasakit tayo at mapupunta lang sa pagpapagamot ang kinita natin. God also wants us to rest from our labor to keep us mentally and emotionally healthy. Too much work can cause stress kaya umiinit ang ulo natin — and this affects the people we love, people who in the first place ay ang dahilan ng ating pagpapagal. God is also teaching us to rest para huwag nating kalimutan na hindi ang sarili nating lakas ang magbibigay sa atin ng ating pangangailangan, kundi ang biyaya ng Diyos. God gives us strength and power to work, and He also gives us permission to rest and rely on His provision.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, salamat sa lakas at talino para makapagtrabaho at sa paalala na magpahinga rin. Sa Inyo ako nagtitiwala, hindi sa sarili kong gawa.

APPLICATION

Look at your schedule and make sure na may panahon ka for rest and recreation.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 1 =