13
APRIL 2024
May Tsismis Ako
Lapit, ako’y dinggin mga kaibigan, at kayo ngayo’y aking tuturuan na si Yahweh ay dapat sundi’t igalang. Sinong may gusto ng mahabang buhay; sinong may nais ng masaganang buhay? Dila mo’y pigilan sa paghabi ng kasamaan. Mabuti ang gawi’t masama’y layuan pagsikapang kamtin ang kapayapaan.
Awit 34:11–13
“Puwedeng humingi ng advice?” Bulong ni Anna sa kanyang best friend na si Tricia. “Kasi hindi ko alam paano pakikisamahan itong person na ito. Feeling ko sipsip siya at saka sabi ng officemates ko na may plano raw siyang agawin ‘yung position ko sa company.” Ang sagot naman ni Tricia, “Ah, talaga? Meron din akong kilalang ganyan, siguro nga may plano ‘yan,” at kung ano-ano pang panggagatong ang ginawa niya. At dahil misery loves company, meron at meron pang ibang sasamang ibang kakilala sa kuwentuhan.
When was the last time that you talked about someone or someone talked to you about another person? Aminin! Marami sa atin ang guilty sa pagkakalat at pakikinig sa tsismis. Minsan nga tinatago pa natin ito sa likod ng paghingi ng advice or warning sa kakilala natin or kaibigan. Tapos sasabihin pa natin na kapag may usok, may apoy. At iyan na ang simula ng tsismis. Totoo man o hindi ang tsismis, wala itong naidudulot na kabutihan, both for you and for the object of the tsismis. Nauuwi lang ito ng resentment and bitterness. And instead of creating an atmosphere of peace, you have created a place filled with negativity.
Kung may marinig kang tsismis, talk to that person involved. He or she might be going through a rough patch in his or her life. Besides, wouldn’t you want the same treatment if the situation were reversed? Gaining friends is better than making enemies.
LET’S PRAY
Panginoong Jesus, ako po ay humihingi ng tawad sa Iyo. I realize that gossiping has become normal for me, and that it doesn’t help me or other people. I ask for Your forgiveness. Cleanse me and make me more sensitive to what other people feel. Help me be an ambassador of peace. Amen.
APPLICATION
Kung meron kang problema sa isang kaibigan o kakilala, mabuting i-settle mo ito sa kanya personally. Pero bago mo gawin ito, humingi ng guidance sa Panginoon upang ang iyong paglapit ay maging maayos at mabalot ng pagmamahal.