3

MAY 2024

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jamey Santiago-Manual & Written by Nor Aquino-Gonzales

Ngunit ang sabi ng mga taga-Jerusalem, “Pinabayaan na tayo ni Yahweh. Nakalimutan na niya tayo.” Ang sagot ni Yahweh, “Malilimot kaya ng ina ang sarili niyang anak? Hindi kaya niya mahalin ang sanggol niyang iniluwal? Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang anak, hindi ko kayo kakalimutan kahit sandali.Jerusalem, hinding-hindi kita malilimutan. Pangalan mo’y nakaukit sa aking mga palad.

Isaias 49:14–16

Have you ever felt na parang pinabayaan ka ng Diyos? Sabi nga nila when it rains, it pours! Do you have problems with your health? Work? Family relationships? Hindi aabot ang pera mo sa susunod na suweldo? Why, Lord? Nalimutan Mo na yata ang Iyong anak. 

The reading today was originally written for the Israelites who were captured by their conquerors and dragged to a foreign land, far away from home. These Israelites had a special agreement with God. The Lord would protect and take care of them for as long as they obeyed God. Ngunit madaling makalimot ang mga Israelita noon kaya bumabalik sila sa pagsamba sa mga diyos-diyosan. After being warned by a prophet, they would repent and obey. But only after a short period, they would go back to their sinful ways. Their walk with God was like a ride on a roller coaster, going up and going down.

Pero may pangako para sa mga anak ng Diyos. We are reminded na kahit tayo ay nagkamali at nakalimot sa Kanya, hinding-hindi Niya tayo malilimutan. If once in our life we have made a commitment to follow Jesus as Lord and Savior, then we have a personal relationship with God. At hindi iyon kayang baguhin ninuman.

Kung ngayon ay popular tayo, darating ang araw na malilimutan din tayo ng mga kasamahan natin. Ngunit dahil sa pagtanggap natin kay Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas, God will never forget us. Minsan, dahil sa mga pagsubok, akala natin nakalimutan na tayo ng Diyos. Pero hindi totoo iyan. Nakaukit ang ating pangalan sa Kanyang mga palad. Nakatatak sa puso ng Diyos ang ating mga buhay. Kilala Niya tayo nang personal.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, salamat sa assurance that You know what I am going through and You know me in a personal way. Thank You that You will never forget me. Forgive me for the times when I have forgotten You.

APPLICATION

Basahin nang mabagal ang passage today. Palitan ang “Jerusalem” (sa talata 16) ng iyong pangalan and read it slowly for several times.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 8 =