4
MAY 2024
Invisible String
Ang aking Ama na siyang nagbigay sa kanila sa akin ay lalong dakila sa lahat, at hindi sila maaagaw ninuman sa aking Ama.
Juan 10:29
Isang paniniwala na nag-originate sa Chinese mythology ang tinatawag na Red Thread of Fate. Sinasabi rito na may isang mahabang pulang tali na nag-uugnay sa dalawang taong nakatadhanang ikasal balang araw. Hindi nakikita ang taling ito na nakakabit daw sa ankle ng lalaki at ankle ng babae. In Japanese culture, on the other hand, magkadugtong ang tali mula sa male’s thumb papunta sa little finger ng babae. Hindi man daw nakikita ang taling ito at maaari man itong mabuhol at mahatak, pero hindi ito kailanman mapuputol.
Sa ating Christians, naniniwala tayo sa isang koneksyon na hindi man literal and visible na tali, pero sigurado tayong hinding hindi ito mapuputol. Ito ay ang pagkakadugtong natin kay Jesus. Ang invisible string na ito ay minsang maigsi, minsan ding humahaba. Minsan ay nabubuhol, minsan ay diretso lamang. Minsan naman ay nase-stretch dahil nagpapakalayo tayo kay God. Sa mga panahong naliligaw tayo, tila ba naiipit sa kung anong mga bagay ang taling ito! But the good news is that God always has a way of pulling the string back to Him until we find ourselves standing close to Him again.
In John 10:29 (NIV), it says that, “My Father, who has given them to me, is greater than all; no one can snatch them out of my Father’s hand.” Isn’t it reassuring to think na sinabi mismo ni Jesus na hindi Niya hahayaang maagaw tayo mula sa kamay ng Ama? In this world where betrayals, separation, and broken promises are normal, hindi ba’t napakasarap panghawakan ang pangakong hindi tayo maaagaw ninuman mula kay God? In this life where challenges, distractions, and temptations abound, isn’t it encouraging to know that the Sovereign Lord is at the other end of the string and is pulling us back to His presence?
LET’S PRAY
Dear Lord, Salamat sa Inyong pangakong hindi kami maaagaw ninuman mula sa Inyong kamay. Dasal ko na palagi akong manatili sa presensiya Ninyo.
APPLICATION
Have you been running away from God? What habits, routines, relationships, and activities are pulling you away from Him? Surrender these to God and acknowledge that He only wants you to be near Him always.