26
JUNE 2024
Just a Reminder: God is Good
Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh; mapalad ang mga taong nananalig sa kanya.
Awit 34:8
Isa sa mga katangian ng Diyos na una nating natututunan sa ating buhay ay ang Kanyang kabutihan. Sa mga Bible Study, testimonies, church sermons, at hindi mabilang na published books, paulit-ulit nating naeencounter ang katuruan na ang Diyos ay mabuti. Sa kabila nito, ang kabutihan ng Diyos ay isa din sa mga una nating nalilimutan sa tuwing dumadaan tayo sa paghihirap at pagsubok. If there is one attribute of God na puwede nating panghawakan sa oras ng kahirapan, ito ay ang kabutihan ng Diyos.
Dahil mabuti ang Diyos, makakaasa tayong ang lahat ng Kanyang plano para sa atin ay mabuti. Ang lahat ng bagay na Kanyang pinapahintulutan ay sa huli, magiging para sa ating ikabubuti. Ang lahat ng ating mga pinagdadaanan sa buhay ay magtatapos sa mabuti. Hindi natin sinasabing mabuti ang mga bagay just because we decided and determined that something is good based on our standards; ang Bible mismo ang nagsasabing ang Diyos ay mabuti. Siya ang nasa likod ng mga bagay at Siya ang nangingibabaw sa lahat.
What a great comfort it is when we remember that despite all the turmoil of life—all our sadness, hardship, struggles, and weaknesses—God has been good, is still good, and will remain eternally good. Dahil sa katotohanang ito, anuman ang ating pagdaanan, we will be okay because God is good. Hindi man natin ito agad-agad makita dahil sa ating mga problema, God is good at nakikita Niya tayo. Hindi man natin ito nararamdaman dahil we are too weighed down by heaviness, God is good, and He can handle our burdens. Nahihirapan man tayong panghawakan ang katotohanang ito, God is good, at Siya ang humahawak sa atin.
Sa mundong ito, totoong mahirap at kabi-kabila ang haharapin nating mga problema at pagdurusa. Subalit totoo rin na sa kabila ng lahat ng ito ay may Diyos na walang hanggan ang kabutihan. May we be reminded of the goodness of God, which is much, much greater than our most difficult circumstances.
LET’S PRAY
Panginoon, Ikaw ay mabuti. Ipaalala po Ninyo ito sa akin anuman ang pinagdaraanan ko sa buhay.
APPLICATION
Pause and think of the goodness of God in your life. Use this time to praise Him because He is good.