31
JULY 2024
King Jesus
Makikidigma sila laban sa Kordero ngunit sila’y matatalo nito, sapagkat ito ang Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari. Kasama niya sa tagumpay ang kanyang mga tinawag, pinili, at tapat na tagasunod.
Pahayag 17:14
By definition, ang hari ang may pinakamataas na kapangyarihan at dominion sa isang kingdom. Walang ibang makapag-uutos sa hari at walang maaaring pumantay sa kanyang authority.
Kamangha-manghang isipin na si Jesus na ating Diyos ay ang Hari ng mga hari. Hindi lang Siya basta hari, Siya ang Hari ng mga hari. Ang ibig sabihin nito, Siya ang pinakamataas na authority kaya’t karapat-dapat Siyang pag-ukulan ng ating pagmamahal at pagsamba. This is amazing to think about dahil kahit Siya na ang pinakamataas at Hari ng mga hari, sa Kanyang biyaya ay itinuring Niya tayong kabilang sa Kanyang pamilya, mga kapwa tagapagmana, at kabahagi ng Kanyang kaharian.
Think about this: what does this great King need from us? Ano ang maiaambag natin sa Hari ng mga hari na may-ari ng lahat? Nothing! He rules over everything and has everything at His complete disposal. He is self-sufficient. Sapat Siya sa Kanyang sarili. Even though He lacks nothing and needs nothing, He offers us the privilege of God’s sonship, partnership, and shared glory with Him. He is in need of nothing, and we deserve nothing, yet He offers a share of His kingdom to us!
What joy to know that all our affairs are under the control of an all-powerful King who enjoys us, loves us, and offers to share His kingdom with us! What can we say to such a King? At kung Siya ang Hari at tayo ay bahagi ng Kanyang kaharian, ano ang dapat nating ipangamba?
LET’S PRAY
Panginoon, walang mas mataas sa Iyo at walang papantay sa kapangyarihan Mo. Salamat dahil Ikaw ang hari na maaari naming pagkatiwalaan at kapitan sa lahat ng oras.
APPLICATION
Meditate on this truth that Jesus is the King of kings. Worship the King and praise Him for his grace and mercy.