1
AUGUST 2024
Kailan Ka Mag-aasawa?
Sabik akong naghihintay, O Yahweh, sa iyong tugon, pagkat ako’y may tiwala sa pangako mong pagtulong.
Awit 130:5
“Kailan ka mag-aasawa? Mahirap tumanda na walang pamilya.” Iyan ang madalas na naririnig ni Aya mula sa mga taong gusto siyang kumustahin at tila nagpapahiwatig ng malasakit.
Marahil para sa ilan malasakit daw na maituturing ang pagtatanong ng, Kailan ka mag-aasawa? Kailan kayo magkakaanak? Kailan susundan ang panganay ninyo? Kailan ka magkakaapo?
Ngunit kung masusing pag-iisipan, iyan nga ba ay mga salita na nagpapakita ng totoong pagmamalasakit at pagmamahal?
Minsan naglakas-loob si Aya at mahinahong sumagot “Auntie, maraming salamat po sa concern ninyo. May plano po akong mag-asawa, naghihintay lang po sa ngayon. Masaya po ako sa buhay ko ngayon. Napakabuti po ng Panginoon sa akin mula noon hanggang ngayon. Kahit wala na po sina Mama, kailanman hindi po ako pinabayaan ng Panginoon.”
Aya is mindful to be always grateful to the Lord. Bagama’t sinabihan siyang mahirap tumanda na walang pamilya, she knows in her heart na kahit praktikal at totoo ang mga salitang iyon, hindi siya nag-iisa sa buhay dahil kasama niya ang Panginoon.
The Lord gave her amazing opportunities to love and be loved. She’s confident that her season will come. While waiting, she’s joyfully living her life doing outreaches, helping friends, being a dutiful ninang, and traveling.
Sa buhay maraming bagay pa tayong hinihintay. Hindi natatapos ang tanong na “kailan?” Tulad ni Aya, puwede tayong maghintay para sa mga bagay na hinahangad natin habang buong pusong nagtitiwala sa Panginoon. We can always approach life with the truth that Jesus is the only one who makes our waiting season worthwhile.
Today, you may be single, married, a widow/widower, an orphan, brokenhearted, and depressed waiting for something or someone. Hindi mo kailangang sagutin ang tanong na kailan; Jesus is with you, at gusto Niyang iparamdam sa iyo na hindi ka kulang at kailanman hindi ka nag-iisa. Jesus’ love got you covered.
LET’S PRAY
Lord, thank You for Your love. Guide me in my waiting season. I trust You, and I continue to hope in Your promises. In Jesus’ name, I pray. Amen.
APPLICATION
Show some love to the people in your life who are faithfully waiting and share this devotion with them.
SHARE THIS QUOTE
