27

APRIL 2025

Persistent Prayer

by | 202504, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Joshene Bersales

Sinabi niya sa kanyang utusan, “Umakyat ka at tanawin mo ang dagat.” “Wala po akong makitang anuman,” wika ng utusan. “Pitong beses mo pang gawin ang sinabi ko,” utos ni Elias.

1 Mga Hari 18:43–44

Familiar ka ba sa term na “ningas kugon”? Galing ito sa image ng isang tumpok ng pinatuyong kugon, na kapag sinilaban ay malakas ang apoy sa umpisa pero mabilis din namang namamatay. Ito ‘yung tawag sa isang gawain na hindi nagtatagal, kasi sa umpisa lang masipag ‘yung gumagawa nito.

Naranasan mo na bang mag-ningas kugon in your prayer life? Sa umpisa, sobrang on fire kang sabihin kay Lord ang prayer request mo. Bawat oras na lang, bumubulong ka ng maikling prayer, hoping that God will answer you soon. Pero habang lumilipas ang mga araw at hindi pa rin nasasagot ang prayer mo, nawawalan ka na ng motivation magdasal, hanggang tumigil ka na lang gawin ito.

Tingnan natin ang example ni prophet Elijah. More than three years na ang famine sa Israel. At finally, ipinakita ni Lord na Siya lang ang nag-iisang Panginoon (1 Kings 18:20–40). Panahon na para tapusin ang taggutom. Kaya sinabi ni Elijah kay King Ahab na mayroon siyang naririnig na pagbuhos ng ulan. Pagkatapos ay umakyat siya sa Mount Carmel para manalangin. Pero hindi lang ito ang ginawa niya. Paulit-ulit din niyang sinabi sa kanyang utusan na tanawin ang dagat. Anim na beses, wala itong nakitang pagbabago. Pero hindi tumigil sa pagdarasal si Elijah. He persisted in prayer. At sa ikapitong beses, nakakita na ng maliit na ulap ang utusan! Sa wakas, sinagot na ng Panginoon ang panalangin ng propeta.  

Ningas kugon ka ba sa pananalangin? Be encouraged by Elijah’s example. I-visualize mo na may sagot na darating si Lord — yes or no man ito. Persist in prayer. Imbes na mag-ningas kugon, pag-alabin ang iyong puso para sa Panginoon.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, tulungan po Ninyo akong maging persistent sa pananalangin. Keep my heart burning for You. Amen.

APPLICATION

Isulat sa post-it or index card ang iyong prayer requests at ilagay ito sa lugar na madalas mong makita. Let this serve as a reminder to persist in praying for them.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 9 =