5

JULY 2025

The Wise Money Manager

by | 202507, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Mona Valconcha-Ocampo

Ang buong daigdig at ang lahat ng naroon, ang may-ari’y si Yahweh na ating Panginoon.

Awit 24:1

Sa article ng Business World Online noong 2021, ayon sa isang study na ginawa ng kumpanyang BackBase, Pilipinas ang may pinakamataas na level of stress sa Asia Pacific pagdating sa individual finances. Among the Filipino respondents, 51% ang nagsabing stressed sila sa kanilang financial situation. Isa sa pinagmumulan ng financial stress ng mga sumagot ay utang. Around 58% naman sa kanila ang nagsabing nahihirapan sila pagdating sa savings o pag-iipon. 

Sa Bible, there are more than 2,000 verses tungkol sa finances at handling money.

Merong dalawang magandang principles ang Bible tungkol sa money management:

1. Ang lahat ay pagmamay-ari ng Diyos. 

Ang sabi sa Awit 24:1, “Ang buong daigdig at ang lahat ng naroon, ang may-ari’y si Yahweh na ating Panginoon.”

Makakatulong ang ganitong mindset para maging matalino tayo sa paghawak ng perang hindi sa atin. Kapag naisip mong lahat ng meron ka ay pahiram at ipinagkakatiwala lang sa iyo ng Diyos, hindi ka magiging careless sa paggastos nito. Paplanuhin mong mabuti ang paggamit ng pera. 

2. Ang matalino ay nag-iipon.

Sabi sa Mga Kawikaan 21:20,Ang bahay ng matalino’y napupuno ng kayamanan, ngunit lahat ay winawaldas ng taong mangmang.” 

Kaya nakakaipon ng kayamanan ang taong matalino ay dahil hindi niya inuubos ang lahat ng meron siya. Hindi sa kahirapan ang direksyon ng taong marunong mag-ipon. Ang taong matalino ay marunong mag-save.

Hindi ba’t napakabuti ng Diyos? Ayaw Niya tayong maging financially burdened kaya naman nagbigay Siya ng principles na gagabay sa atin upang mamuhay tayo nang financially peaceful.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat po sa paalala na Kayo ang tunay na may-ari ng lahat ng bagay sa mundo, pati ng lahat ng meron ako. Patawarin N’yo ako kung hindi ako naging mabuting katiwala. Bigyan N’yo ako ng wisdom sa tamang paggamit ng pera at matutong magbudget at mag-ipon nang tama. Amen.

APPLICATION

Try this formula: Income minus Tithes minus Savings = Expenses. Ibawas agad ang iyong tithes at savings bago gastusin ang income.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 2 =