4

JULY 2025

Loving God Through Giving

by | 202507, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Honeylet Adajar-Velves

Anong gagawin mo kapag binigyan ka ng Diyos ng extra blessing? How will you honor Him? May today’s devotion inspire you. Welcome to our series, “Honoring God with Your Money.”

Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.

Mateo 5:16

Maagang namulat si Allan sa konsepto ng kabutihan ng Diyos dahil sa mga kaibigan. He couldn’t forget the time nung lahat ng kaklase niya ay magkaroon ng cellphone dahil nauso na ito. Kahit gusto nya rin nito, hindi siya makabili dahil sa kakulangan ng pera.Isang birthday niya, binigyan siya ng tatay ng best friend niya ng secondhand cellphone. Ito ang bagay na saktong binubulong niya kay God noon.

Sa kanyang pagtanda, God blessed him with more financial resources. This time, siya naman ang nagregalo ng cellphone sa mga kaibigan niyang nangangailangan nito. Eventually, naging lifestyle na niya ang sumunod kay God through blessing others.

One day, he felt a nudge in his heart to give his car to a friend even though he himself needed financial assistance. Nang makita niya ang pangangailangan ng friend na ito, he just knew that this is what God wants him to do. So he did, without announcing it to the whole world. But that friend has been very grateful kaya nabanggit niya ito sa ibang tao. Isa sa mga nakarinig ng kuwentong ito ay si Marie. She went to Allan at sinabi niya, “Thank you for encouraging me today through your lifestyle of giving.” Medyo na-shock si Allan dahil sa isip niya, it’s just the right thing to do. Dagdag pa ni Marie, “Hindi kasi iyon normal. But we see how you love God through your giving.” He felt affirmed after hearing that, because that is the unspoken truth na gusto niyang ipamuhay — ang makita ng iba si God sa bawat kabutihang nagagawa niya.

May you have a God-honoring day, honoring God with what He has given you. See you tomorrow!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Father God, salamat po dahil Kayo ang perfect model ng generosity. At sa mga simpleng pagkakataon sa buhay namin, lagi po Ninyo kaming tinuturuan kung paano mamuhay ayon sa Inyong kalooban. Patuloy Ninyo akong tulungang magbigay sa mga nangangailangan para mapapurihan ko ang Inyong pangalan. In Jesus name, Amen.

APPLICATION

Do you want to take part in the ministry of giving? Tap the heart button and reach our kababayans nationwide as you donate through the ministry of CBN Asia. Be a blessing today!

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 6 =