9

SEPTEMBER 2025

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Rebecca M. Cabral

Sa simula pa’y itinakda ko na, at aking inihayag kung ano ang magaganap. Sinabi kong tiyak na magaganap ang lahat ng balak ko, at gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin.”

Isaias 46:10

Naniniwala ba kayo na binubuo pa lang tayo ng Diyos sa tiyan ng ating ina ay itinakda na rin Niya ang ating destiny? Ang sabi sa Biblia, “Ikaw O Diyos ang lumikha, sa tiyan ng aking ina’y hinugis mo akong bata. Ako’y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ako’y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam” (Awit 139:13, 16).

Our destiny is God’s appointed future for us. It is to walk as an adopted child of God, living a life pleasing to Him, reaching out to lost souls, and giving Him all praise and glory.

Pero puwede ba nating ma-miss ang ating destiny? Mababasa natin sa Bible na may ilan na naka-miss ng kanilang destiny. Isa rito si King Saul ng Israel who was in power when the Israelites were fighting the Philistines. He started doing his task under the authority of God and won the battle against the enemy. Dahil dito, nagpuri sa Diyos ang mga Israelita. Later on, hinangad ni Saul ang papuri ng tao. When he faced the greatest battle against the Philistines, he was gripped with fear. Sa halip na humingi ng gabay sa Diyos, kumonsulta siya sa diyablo at natalo. He could have been remembered as the man who delivered Israel from the bondage of the Philistines, but because of pride and arrogance, he missed his destiny!

Samson was also destined for greatness for God, but he missed his destiny when he sinned. Ganoon din ang nangyari kay Solomon, ang anak ni King David. He was destined to break idolatry in the land but he became an idolater himself.

Sa ating panahon, mami-miss natin ang ating destiny kung wala sa buhay natin si Cristo. Siya ang ating gabay upang maabot natin ang destiny that God planned for us.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, patawarin N’yo po ako kung minsan ay nakakaligtaan kong mamuhay nang ayon sa Inyong kalooban. Salamat sa Inyong katapatan at pangakong hindi N’yo ako iiwan. Amen.

APPLICATION

Simula ngayon, sundin ang tanging ang kalooban ng Diyos para sa pag-abot ng iyong destiny.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 3 =