19

SEPTEMBER 2025

No Shame in Making Mistakes

by | 202509, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Peter Adelberth Ocampo

Ang taong may unawa ay tumatanggap ng payo, ngunit ayaw mapaalalahanan ang matigas ang ulo.

Mga Kawikaan 12:1

Alam mo ba na hindi masama ang magkamali, pero importanteng matutunan ang mga pagkakamali natin? Minsan, parang napakahirap tanggapin ang correction ng iba, lalo na kung akala mo ay tama ka. Pero ang totoo, ang pagkakaroon ng bukas na puso para matuto mula sa pagkakamali ay mahalaga para sa personal development natin. 

Consider this story of a son na naniniwala na alam na niya ang lahat. Si Mark, isang teenager, ay nagkaroon ng alitan sa parents niya dahil sa kanyang desisyon na hindi mag-college kahit na ito ang pangarap ng mga magulang niya para sa kanya. Sa halip na makinig sa kanilang payo, nag-rebelde siya at nagtrabaho agad.

After a few months, na-realize ni Mark na hindi ganoon kadali ang buhay outside school. His work did not match his expectations, at napansin niyang mas maraming opportunities ang nawawala sa kanya dahil sa kakulangan ng edukasyon. Dito niya naisip na mali siya sa ginawa niyang desisyon.

Humingi siya ng tawad sa kanyang mga magulang, at nagpasalamat sa kanila sa kanilang guidance. It finally dawned on him na ang kanilang mga correction at payo ay para sa kanyang kabutihan. Natuwa ang mga magulang niya sa kanyang pagbabago ng puso at pagtanggap ng kanilang guidance. 

Ayon sa Mga Kawikaan 12:1, ang pagtanggap ng turo at disiplinang mula sa Diyos ay nagdudulot ng karunungan. Ang pagkakaroon ng humility na aminin ang pagkakamali at magpasalamat sa correction ay nagdadala sa atin ng tunay na wisdom.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, salamat sa mga pagkakataon na natututo kami mula sa aming mga pagkakamali. Tulungan N’yo po kaming maging bukas sa correction at feedback, at hindi magalit o magtago sa aming mga pagkukulang. Bigyan N’yo kami ng humility at wisdom para magpatuloy na mag-improve at matuto mula sa Inyo. Amen.

APPLICATION

Kapag may natanggap kang correction o feedback, tingnan ito bilang opportunity for growth. Huwag magalit o mag-defend ng sarili; sa halip, tanggapin ito nang may bukas na puso. Ang bawat pagkakamali ay pagkakataon para matuto at maging mas mabuting tao. Laging humingi ng guidance sa Diyos at matuto mula sa ating experiences para mas maging wise sa ating mga desisyon.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 11 =