25

SEPTEMBER 2025

Nakalimutan Mo Lang Siya

by | 202509, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Peter Adelberth N. Ocampo

Tinutulungan niya, mga nagdurusa at di binibigo ang walang pag-asa.

Awit 34:18

Si Kuya Noel, na isang ride-hailing app driver, ay may mabigat na kuwento. Noong isang linggo lang, naisipan niyang tapusin ang lahat dahil sa dami ng problema. Dala ng problema sa trabaho, pamilya, at iba pang alalahanin, napuno na siya. Sagad na, wala na siyang makitang solusyon. Habang nagmamaneho, napaiyak na lang siya sa dami ng dinadala at naisipan niyang ibangga ang sinasakyang motor, pero di niya ito nagawa. 

Isang araw ay naikuwento niya ito sa isang pasahero na isang pastor. Sumagot ang pasahero na, “Kung nagawa mo na ang lahat at wala pa rin, hindi kaya ang Diyos na lang ang kulang?” Nagulat si Kuya Noel, napaisip siya. Totoo nga, minsan kapag hirap na hirap tayo, nakakalimutan nating humingi ng tulong kay Lord. Nakalimutan ni Kuya Noel na dati nang sinagot ni Lord ang panalangin niya. Noong 2010, nagkasakit siya nang malubha. Halos hindi na siya makatayo at nawalan ng kakayanang magtrabaho. Pero sa pagdarasal niya, gumaling siya. Ngayon, ipinaalala lang ulit ni Lord na andiyan Siya.

Minsan, sa bigat ng buhay, nakakalimutan natin na andiyan si Lord, naghihintay lang na lapitan natin Siya. Katulad ni Kuya Noel, minsan masyado tayong naka-focus sa mga problema natin na hindi na natin napapansin ang presensya ng Diyos. Pero sabi nga sa Awit 34:18, si Lord ay malapit sa mga wasak ang puso. Hindi Niya tayo iiwan. Kailangan lang nating humingi ng tulong at magtiwala sa Kanya. 

God is never absent in our hardest battles, sometimes we just forget to seek Him.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, alam namin na hindi madali ang buhay. Maraming pagsubok, maraming problema. Pero salamat dahil palagi Kayong nandiyan para sa amin. Nakakalimutan Ka man namin, pero ni minsan hindi Ninyo kami kinalimutan. Inilalapit ko sa Inyo ngayon ang lahat ng kagaya kong may matinding pangangailangan.

APPLICATION

Sa mga pagkakataong pakiramdam mo ay wala nang pag-asa, tandaan mo na si Lord ang pinakamalapit sa iyo sa ganitong panahon. Huwag mag-atubiling lumapit at manalangin. Kung pakiramdam mo nagawa mo na ang lahat pero hindi pa rin sapat, tumawag ka sa Diyos para Siya ang mag-take over. Siya ang magliliwanag sa pinakamadilim na bahagi ng buhay mo. Magtiwala ka sa Panginoong Jesus.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 6 =