21
DECEMBER 2025
Be Like Joseph
Ngunit habang pinag-iisipan ito ni Jose, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria, sapagkat ang sanggol na dinadala niya ay mula sa Espiritu Santo … Nang magising si Jose, sinunod nga niya ang utos ng anghel ng Panginoon at pinakasalan niya si Maria.
Mateo 1:20, 24
Sigurado na si Chester sa gagawin niya. Nagpatulong siya sa isang recruitment agency para makapunta sa Canada. He needs to provide for his growing family at hindi na sapat ang kinikita niya sa Pilipinas. Naisip niya na kapag nakarating at nakahanap siya ng trabaho roon, makakasunod din ang kanyang pamilya. Mas magiging maginhawa na ang buhay nila.
Magbabayad na siya kinabukasan ng placement fee nang managinip siya. Sa panaginip, sinabi sa kanya ng tatay niya na huwag nang ituloy ang pagbabayad. Parang totoo ang lahat! Pagkagising, hindi mapakali si Chester. He prayed about it and asked God for direction. Dahil wala siyang peace sa balak niyang gawin, hindi na niya itinuloy ang pagbibigay ng placement fee. The next day, nagulat siya nang mapanood sa news na hinuli ang may-ari ng recruitment agency. Scammer pala.
Chester dropped to his knees to pray, thanking God for saving him from a potential disaster. Good thing that he was willing to change his plans in obedience to God. He did not insist on his own way but instead trusted the Lord who blessed him.
Parang ganito rin ang nangyari kay Joseph who was engaged to Mary. He was going to quietly divorce her to save her dignity. But one night, an angel told him in a dream na ituloy ang kasal. God had a much bigger plan — the birth of the Savior and Joseph had a part to play in it. By faith, Joseph obeyed. By faith, he trusted the Lord. And in the end, it all worked out for the best.
Kahit na super busy tayo, let’s find time to reflect on the true meaning of Christmas, at dito sa Tanglaw, we will help you do that. So join us again tomorrow for the continuation of our series “12 Days Before Christmas.”
LET’S PRAY
Panginoon, huwag po Ninyong hayaan na pilitin kong gawin ang gusto ko kundi patuloy na magtiwala at sumunod sa Inyo. Keep me from being proud, thinking that I can control my life when I should surrender it to You.
APPLICATION
The next time you see a nativity scene, spend extra time looking at Joseph after admiring the baby Jesus. Think about Joseph’s own act of obedience and pray that you, too, will be sensitive to the Holy Spirit who will tell you what to do.
SHARE THIS QUOTE
