24
JANUARY 2026
Lord, ang Unfair Naman!
Ang kabuhayan ni Job ay ibinalik ni Yahweh sa dati, nang ipanalangin nito ang tatlong kaibigan. At dinoble pa ni Yahweh ang kayamanan ni Job.
Job 42:10
May kilala ka bang maagang dumadating sa office at tinatapos ang tasks within the day, pero ang na-promote ay ’yung officemate niyang konti lang ang ambag at laging naka-vacation leave? O isang estudyanteng laging halos dalawang oras lang ang tulog para makapag-aral pero ang naging valedictorian ay ’yung teacher’s pet? Kung ikaw mismo ay nakaka-relate ka sa mga ito, for sure mapapasabi ka na lang ng, “Lord ang unfair naman!”
May ganyang character din sa Bible at apart from Jesus, siya ang tinaguriang pinaka-righteous na tao — si Job. Sigurado ang Diyos na hindi lamang pagpapala Niya ang dahilan ng katapatan ni Job sa Kanya. Ito ay dahil mahal talaga ni Job si God. Ito ay isang bagay na hindi matanggap ni Satan kaya sinubok niya ang pananampalataya ni Job.
In just a snap, Job got severely sick. He lost his wealth and loved ones. In those difficult times, he questioned his circumstances, even his righteousness. But he never rejected God. He was in pain, but he kept his faith. Ang resulta ng hindi matinag na pananampalataya ni Job ay mas matinding pagpapala pa kumpara sa mga bagay na nawala sa kanya (Job 42:10).
Are you also going through a similar phase like Job? Maaaring sunod ka nang sunod sa sinasabi sa iyo ni God pero feeling mo, sa halip na blessing ang matanggap mo, mas matitinding challenges ang dumarating sa iyo. Kapit lang! God who saw Job’s faithfulness is the same God looking at you right now.
LET’S PRAY
Panginoon, tulungan po Ninyo akong mag-focus sa Inyo kaysa sa mga problema. Bigyan Ninyo po ako ng faith just like Job — isang pananampalatayang hindi kailanman pagdududahan ang kabutihan Ninyo despite the circumstances. And may this faith help me get through this challenge that I am facing today. In Jesus‘ name, I pray. Amen.
APPLICATION
Share this devotion on your social media pages today. For sure, marami kang friends na nangangailangan ding makarinig ng mensaheng ito.
SHARE THIS QUOTE
