4

FEBRUARY 2026

4

FEBRUARY 2026

Bakit Ka Matatakot?

by | 202602, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Joshene Bersales

Welcome back to our series, “Walking on Water with Jesus.” Kahapon, we were reminded that Jesus meets us halfway in our walk of faith. Today, alamin natin ang ilang practical ways to exercise our faith.

Nang makasagwan na sila nang may lima o anim na kilometro, nakita nila si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng tubig papalapit sa bangka, at sila’y natakot. Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag na kayong matakot. Ako si Jesus!”

Juan 6:19–20

Imagine yourself na nakatayo sa dulo ng diving board. Nasa pool na ang mga kaibigan mo, at tinatawag ka nila na tumalon at i-enjoy ang pool kasama nila. Gustong-gusto mo na ring lumangoy sa pool. Kailangan mo lang tumalon mula sa diving board. Kaya kahit kinakabahan, huminga ka nang malalim at buong tapang na nag-dive pababa sa pool. 

Minsan, parang ganito tayo in our walk in faith. Kinakabahan tayo to do things na alam nating puwede tayong i-judge ng ibang tao. Paano kung magkamali tayo? Mapahiya o masaktan? Para tuloy mas madali to take the safe option at itago na lang ang faith natin sa ating sarili.

Pero ito ang tawag ni Jesus sa atin: “Huwag na kayong matakot. Ako si Jesus!” We don’t need to go out into the world on our own. Si Jesus — ang Anak ng Diyos — tinatawag Niya tayo to step out in faith and follow Him.

Sa anong mga paraan mo ba puwedeng i-exercise ang faith mo? Heto ang ilang suggestions:

One, fellowship with other believers. Kapag may kasabay kang naglalakad sa faith journey, mas ginaganahan ka dahil may nakakaintindi ng mga pinagdadaanan mo. Puwede pa ninyong palakasin ang loob ng isa’t isa habang pinapalalim ang inyong faith.

Two, share your story with other people. Puwede mong ibahagi ang walk mo with Jesus with your friends and family. Malay mo, by doing this, ma-encourage rin silang magkaroon ng deeper relationship with God, ’di ba?

Three, let your actions show your faith. Hindi lang puro salita. Dapat nakikita rin ang faith mo sa lahat ng areas ng iyong buhay.

May kaba o hiya ka bang nararamdaman in your faith journey? Tandaan ang paalala ni Jesus. Nariyan Siya para samahan tayo sa ating paglalakad. Hindi natin kailangang matakot.

In the past three days, natutunan natin kung paano maglakad in faith, knowing na kasama natin si Jesus every step of the way. Thank you for tuning in to our 3-day series aboutwalking on water with Jesus. Abangan bukas ang bagong mensahe ni Lord para sa ’yo!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Jesus, please help me boldly exercise my faith in concrete ways. May I lead other people to You through my actions. Amen.

APPLICATION

Ano ang iba pang puwede mong gawin to exercise your faith? List two to three practical things you can do this week to show people your faith.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 10 =