19
FEBRUARY 2026
How to be Fruitful Po?
Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa’t isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon.
Mga Hebreo 10:25
Alam mo ba na ang pinakamatandang fruit–bearing tree na nabubuhay hanggang sa ngayon ay kulang-kulang 400 years old na at ito ay tinatawag na Endicott Pear Tree? Ito ay makikita sa Danvers, Essex County, Massachusetts at itinanim ni Governor John Endecott. Sa loob ng ilang centuries na dumaan, sinubok ito ng ilang bagyo at hurricanes, pero makikitang nakatayo at namumunga pa rin ito. Paano ito nangyari? Dahil kahit wala na si Governor Endecott, tulong-tulong ang buong komunidad nilang alagaan at protektahan ang nasabing puno. Grabe, hindi lang nila basta napanatiling buhay ang Endicott Pear Tree; imagine, namumunga pa rin ito up until today! Ang galing, hindi ba?
Just like this tree, God placed the right people in your life to help you to be fruitful. Nariyan ang mga magulang mo na sa lahat ng panahon ay laging nakaagapay sa iyo. Nariyan rin ang iyong asawa na taga-correct at suporta sa mga pangarap mo. O mga kaibigan na kasama mo sa hamon at tagumpay ng buhay.
Meron ka bang pinagdaraanan and you feel alone right now? That is a lie from the enemy! Huwag mong kalimutan na hindi ka hahayaang mag-isa ng Panginoon. He sends people to protect and encourage you every step of the way. You just have to identify them as you sit down and think kung paano sila ginagamit ni God to uplift your spirit.
LET’S PRAY
Panginoon, maraming salamat po that You always have me in mind. Lagi Ninyong ipinaparamdam sa akin na buhay Kayo through the people that You send my way. Pagpalain po Ninyo ang aking pamilya, mga kaibigan, at mga taong ginagamit Ninyo para lumago ako sa buhay. Amen.
APPLICATION
Isulat sa iyong Prayer List ang pangalan ng mga taong naging blessing sa iyo lately. If you‘re using the Tanglaw app, swipe left upang hindi makalimutang isama sila sa iyong panalangin.
SHARE THIS QUOTE
