22

MARCH 2026

Reklamo na Naman?

by | 202603, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Celeste Endriga Javier & Written by Celeste Endriga Javier

Kaya aking babalikang gunitain ang ginawa, ang maraming ginawa mong tunay na kahanga-hanga. Sa lahat ng ginawa mo, ako’y magbubulay-bulay, magbubulay-bulay ako, sa diwa ko at isipan.

Awit 77:1112

Minsan sa isang Bible study, nagbigay ng icebreaker ang leader nina Boy. Mag-share daw sila ng isang bagay na pinasasalamatan nila sa linggong iyon.            

“Nagpapasalamat ako dahil may trabaho ako,” sabi ni Boy, “pero sakit naman ng ulo ang mga katrabaho ko!” dagdag nito. “Oo nga, ako rin,” dugtong ng ka-grupong si Enteng, “salamat sa trabaho, pero ang liit ng suweldo.” Nagtawanan ang lahat habang nag-aagree sa sinabi ng dalawa. “Teka lang,” sabi ng leader nila, “subukan nating magpasalamat lang, huwag na nating dagdagan ng mga reklamo. OK, take two.”                                  

Nakaka-relate ba tayo? Sa Psalm 77:110,  parang ang haba rin ng mga hinagpis ng salmista. Marahil ay nagtatampo na siya na para bang sinasabing, “Love mo pa ba ako, Lord?”                                                                                                              

Nauunawaan naman ng ating mapagmahal na Ama ang ating mga pinagdaraanan. In fact, gusto nga Niya ‘yung inihihinga natin sa Kanya ang nararamdaman natin. Pero basahin natin ang next two verses kung saan nakasaad, Kaya aking babalikang gunitain ang ginawa, ang maraming ginawa mong tunay na kahanga-hanga. Sa lahat ng ginawa mo, ako’y magbubulay-bulay, magbubulay-bulay ako, sa diwa ko at isipan.” God, in His mercy, teaches us a better way. And this is for our own good. Let us remember the good times, the admirable things, the pleasant surprises that He did in the past — marami ’yan. Pero minsan, napakahirap alalahanin, ano? Lalo na kung nasanay na tayong tumutok sa mga bagay na nakakadismaya at nakakatakot. Let’s ask the Lord for His help so we can always have the right attitude.                                            

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, tulungan Ninyo po kaming alalahanin ang mga magaganda at kamangha-manghang bagay na Inyong ginawa para sa amin. Alisin po Ninyo ang paningin ng aming mga diwa sa mga nakakadismaya at nakakatanggal ng pag-asa. Instead, itutok Ninyo po ang mata ng aming puso sa Inyong kabaitan. Surround us with Your beauty, Your power, and Your grace. In Your loving name, Jesus, we pray. Amen.        

APPLICATION

For 1 week, sa bawat reklamong lumabas sa ating mga bibig, huminto, at sundan ng tatlong pasasalamat. Watch how this will change you. As a bonus, dadami pa ang ating mga kaibigan. Let’s make being thankful a habit.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 3 =