5

JUNE 2026

How to Be a Leader

by | 202606, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Luisa Collopy

Bakit mag-isa mong ginagawa ito at ang mga tao’y maghapong nakapaligid sa iyo?

Exodo 18:14

“Great things in business are never done by one person. They are done by a team of people,” ang sabi ni Steve Jobs, co-founder ng Apple. Although ang success ng isang kumpanya is usually attributed to the leader,  we can’t ignore the contribution of the behind-the-scenes crew.

Noong araw ay uso na ang leadership and management na kadalasang natututunan sa school of life — ‘yung lumaking nagmamatyag sa gawain at nagha-hands-on training at tumatanggap ng wise counsel sa mga nakakatanda tungkol sa kung ano ang dapat gawin. 

Take the case of Moses, who learned from Jethro, his father-in-law. Na-observe ni Jethro ang pamamalakad ni Moses sa kampo. Inabot na ng gabi ito dahil sa dami ng lumalapit at humihingi ng payo at judgment. “Ano ba ang ginagawa mo sa mga tao? Bakit mag-isa mong ginagawa ito at ang mga tao’y maghapong nakapaligid sa iyo?” ang tanong ni Jethro (Exodo 18:14).

Si Moses ang pinili ni Yahweh upang maging leader ng Israelites, at siya rin ang nakakaalam ng kalooban ng Diyos. Sa palagay kaya ni Moses ay siya lamang ang taong makapagpapaliwanag ng mga kautusan ng Diyos tungkol sa mga problema? Narito ang advice ni Jethro: ang pumili “ng mga taong may kakayahan, may takot sa Diyos, mapagkakatiwalaan at di masusuhulan” at sila ay magiging “tagapangasiwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu at sampu-sampu” (v. 21). Si Moses ang magiging head ng mga tagapangasiwa at “ang mabibigat na kaso lamang ang ihaharap sa [kanya]” (v. 22). At nabuo ang isang justice system and what could be one of the world’s first organizational charts.

Kahit anong galing ng isang leader, hindi niya kakayaning patakbuhin ang kumpanya nang walang inaasahang iba. A leader needs to recognize the value of each person in his team and inspire creativity and collaboration. This will make the work easier to do, with the team accomplishing the ultimate goal and finding success.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for making me a leader. Help me to inspire people with wisdom that comes from You.

APPLICATION

Maglista ng three action items na makakatulong sa iyo to avoid burnout and become a better leader.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 5 =