12

JUNE 2026

True Independence

by | 202606, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Mona Valconcha-Ocampo

Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni Cristo. Kaya magpakatatag kayo at huwag nang paalipin pang muli!”

Mga Taga-Galacia 5:1

May ibong matagal nang nakakulong sa hawla. Araw-araw siyang umiikot lang sa maliit na espasyo. Pero isang araw, binuksan ang pinto ng hawla. Malaya na siya. Pero hindi siya lumipad. Nanatili siya sa loob. Bakit? Kasi hindi niya alam na malaya na siya.

Ganoon din minsan ang buhay natin. Pinalaya na tayo ni Jesus pero marami sa atin ang nananatili pa rin sa guilt, shame, at kasalanan — parang nakakulong pa rin.

Today we are commemorating our Independence Day. Sa buhay, binigyan din tayo ng tunay na kalayaan. Hindi tayo tinawag ni Jesus para mabuhay sa guilt o sa paulit-ulit na pagkatalo sa kasalanan. Tinawag Niya tayo sa tunay na kalayaan. ‘Yung freedom na hindi lang pansamantala, kundi panghabambuhay. May forever!  

Sadly, kahit alam nating pinalaya na tayo ni Jesus, may ilan sa atin na bumabalik pa rin sa dati. Sa shame. Sa bad habits. Sa mindset na parang kailangan nating i-earn ang pagmamahal ng Diyos.

Remember this: You are already free because of Jesus! Hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa Kanya. He already proved His love on the cross. At sa pagkabuhay Niyang muli, binigyan ka Niya ng bagong buhay na may lakas para talikuran ang kasalanan at mamuhay nang hindi bihag nito.

But how? Galatians 5:16 reminds us, Walk by the Spirit and you will not gratify the desires of the flesh.” Meaning, kung palagi tayong lumalapit sa Diyos, kung Siya ang pinapakinggan natin, magkakaroon tayo ng kapangyarihan para piliin ang tama.

Hindi ito madali, pero hindi tayo nag-iisa. The Holy Spirit helps us live in the freedom Jesus gave. Every time na pinipili natin si Jesus, we step out of the cage. Every time we say no to sin and yes to grace, we’re flying in freedom.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, salamat sa kalayaan na binigay Mo. Patawad kung minsan bumabalik pa rin ako sa mga bagay na pinalaya Mo na ako. Help me walk in Your Spirit everyday. Bigyan Mo ako ng lakas para lumipad sa kalayaang galing sa Iyo. Thank You, Jesus, for setting me free. Amen.

APPLICATION

Pakinggan ang kantang “Malaya Na” by Victory Worship.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 1 =