19
JUNE 2026
Nakalimutang Mana
At yamang mga anak, tayo’y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo. Sapagkat kung tayo’y kasama niya sa pagtitiis, tayo’y makakasama niya sa kanyang kaluwalhatian.
Mga Taga-Roma 8:17
Masasakitin ang mommy ni Rina kaya isang araw, tinawag niya ang lahat ng kanyang limang anak at nagbilin. “Mabuti nang habang buhay pa ako ay magbilin na ako sa inyo,” sabi niya. Dahil balo na siya, siya na ang nagdesisyon kung kanino niya ipapamana ang bahay at kung sino-sino ang maghahati sa iba pa niyang mahahalagang gamit. Pagkatapos, sinabi niya kay Rina, “Ikaw naman, anak, ang pinakamaganda ang buhay sa inyong magkakapatid, kaya hindi na kita pamamanahan. Ikaw na lang ang bahala para siguradong mapunta sa mga kapatid mo ang para sa kanila.”
Kahit totoong nakakaangat sa buhay sa Rina kumpara sa lahat ng mga kapatid niya, nang marinig niya ang sinabi ng ina, may kirot siyang naramdaman. “Masakit pa ring marinig. Sana kahit fake na hikaw, pinamanahan niya ako,” natatawa pero seryosong naikuwento ni Rina.
Gumaan na lang ang pakiramdam ni Rina nang marinig niya sa Bible study ang Romans 8:17 (EASY): “Because we are God’s children, we also know that we will receive good things from him. Those are the things that he has promised to give to his children. Together with Christ, we will receive the things that God has kept for him. That is true if we agree to have troubles like Christ did. Then we will also enjoy life in heaven like Christ does.”
Here on earth, we may receive an inheritance from our parents, and rightfully so. Pero minsan, walang naipapamanang kayamanan ang ating parents, o di kaya naman, nalilimutan o sinasadyang hindi pamanahan. Makalimutan man tayo, huwag nating kalimutan ang spiritual inheritance that is reserved for all who are in Christ Jesus. The blessings of God the Father both now and in the afterlife will exceed our expectations.
LET’S PRAY
Dear God, help me realize how much blessed I am because I am Your child. Dumaan man ako sa kakulangan o suffering paminsan-minsan, tiyak na nariyan Kayo sa tabi ko at hindi Ninyo ako kinakalimutan.
APPLICATION
Read the book of Ephesians and take note of the many blessings you have because you are “in Christ.”
SHARE THIS QUOTE
