18

JUNE 2026

Cost and Reward of Following Jesus

by | 202606, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Via Antonio & Written by Joshene Bersales

Ang Panginoon ang magliligtas sa akin sa lahat ng kasamaan at siya rin ang maghahatid sa akin nang ligtas sa kanyang kaharian sa langit.

2 Timoteo 4:18

Sa panahon ngayon, parang mas madalas ma-emphasize ang cost ng pagsunod kay Jesus kaysa sa rewards na kasama nito. Persecution mula sa mga kakilala at di-kakilala. Mga test at temptation na parang hindi naman dumadating when we were living just for ourselves. Parang puro pasakit na lang, wala nang ligaya!

Nakakulong sa Rome si Apostle Paul noong isinulat niya ang kanyang second letter para kay Timothy. Hindi ito ang unang beses na nakulong siya for preaching that Jesus is Lord. Bago siya napunta sa sitwasyong ito, iba’t ibang klase na ng persecution ang pinagdaanan niya: nilait siya, siniraan, and in more than one occasion, pinagtangkaan ang kanyang buhay. And soon, he’ll pay the ultimate price for being a follower of Jesus — with his very life.  

Pero kahit puno ng paghihirap ang kanyang ministry, hindi nawala ang pagmamahal niya sa Panginoon. Hindi siya nawalan ng pag-asa na kapag natapos na ang lahat ng paghihirap, at the end of his life, makukuha niya ang ultimate reward — si Jesus mismo ang maghahatid sa kanya nang ligtas sa Kanyang kaharian sa langit.

Are you feeling discouraged in your walk with the Lord dahil sa nararanasan mong suffering in His name? Panghawakan mo sana ang katotohanan na kung kaya ng Diyos na iligtas si Paul at ihatid siya nang ligtas sa langit, kaya rin Niya itong gawin sa atin. At hindi Niya tayo basta-basta dadalhin sa langit na bitbit pa rin ang ating mga sugatang katawan at puso. Ligtas at malinis tayong darating doon — ligtas mula sa ating mga kasalanan at mula sa banta ng mga paghihirap sa hinaharap. Oo, mabigat ang cost ng pagsunod kay Cristo. Pero walang-wala ito sa ganda ng reward na makukuha — at nakukuha na natin — kung magpapatuloy tayo sa ating paglilingkod.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, sa mga pagkakataong parang puro paghihirap na lang ang dinaranas ko dahil sa pagsunod ko sa Iyo, tulungan Mo akong mag-focus sa mga reward na kasama nito. Amen.

APPLICATION

Isulat ang isang cost ng pagsunod kay Jesus na nararanasan mo ngayon. Then write a prayer of thanksgiving, knowing na may katumbas itong reward mula sa Kanya.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 9 =