16

AUGUST 2026

Magkano ba ang Bayad sa Utang na Loob?

by | 202608, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jericho Arceo & Written by Manuel Zabat II

Alam ninyo kung ano ang ipinantubos sa inyo sa walang kabuluhang pamumuhay na inyong minana sa inyong mga magulang. Ang ipinantubos sa inyo’y hindi ang mga bagay na nasisira o nauubos, tulad ng ginto o pilak, kundi sa pamamagitan ng mahalagang dugo ni Cristo. Siya ang korderong walang batik at kapintasan.

1 Pedro 1:1819

Magkano ang bayad sa utang na loob?

Sa kultura natin, napakahirap nitong bayaran. Walang tiyak na halaga ang utang na loob, kaya hindi mo alam kung kailan ka talaga “fully paid” na. Madalas, nagagamit pa ito sa panunumbat o nagiging rason sa pagkakaroon ng habambuhay na obligasyon. Para itong utang na tuloy-tuloy ang pagpatong ng interes.

May isa pang mas mabigat  na utang ang lahat ng tao: ang kasalanan laban sa Diyos. Ang kabayaran nito ay kamatayan (Mga Taga-Roma 6:23) at ito ay hinding-hindi natin kayang bayaran.

Pero may good news! Alam ng Diyos na imposible nating mabayaran ito kaya nagpasya Siyang ang Anak Niya mismong si Jesus ang magbayad nito. Hindi sa pamamagitan ng ginto o pilak, kundi ng pinakamahalaga sa lahat: ang dugo ni Jesu-Cristo.

Sa krus, tinatakan ni Jesus ang resibo ng kabayaran ng ating kasalanan ng mga salitang ito: PAID IN FULL. Binayaran na Niyang lahat, at hindi Siya katulad natin na sinisingil ang utang na loob. Ibang klase talaga si Lord!

Paano ngayon mamumuhay ang isang taong “bayad na ang utang”? Una, titigilan na niya ang “pagbabayad” sa  Diyos. Ang ating pagsamba, paglilingkod, at pagbibigay ay hindi mga “down payment” sa ating utang. Ang mga ito ay expressions of gratitude dahil sa pagliligtas sa atin. Pangalawa, titigilan na rin niyang maningil sa iba. Punitin na natin ang listahan ng utang na kasalanan sa atin ng ibang tao. Paano pa tayo magkakaroon ng lakas ng loob na manumbat sa maliliit na utang ng ating kapwa, kung ang sarili nating walang-hanggang utang ay pinatawad na? Let us live with gratefulness to God and extend forgiveness to others.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, help me appreciate how You paid for my sins in full. Allow me to extend this grace to people who have hurt me.  

APPLICATION

Are there people in your life that you need to forgive? Release them from utang na loob and trust the Lord to repay you.  

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 8 =