26

OCTOBER 2026

Iba ang Timeline at Calendar ni Lord

by | 202610, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Alma S. de Guzman-Santos

Ang sanlibong mga taon ay para bang isang araw, sa mata mo, Panginoon, isang kisap-mata lamang; isang saglit sa magdamag na ito ay dumaraan.

Awit 90:4

Kailan ang huling pagkakataon na kahit pinaghintay ka nang matagal ay hindi ka nakaramdam ng pagkainip? ’Yung kalmado ka lang at hindi ka nagrereklamo o nagwo-worry. Ang hirap ba? Siguro mas mahirap ’yan lalo kung nakaplano na ang buong buhay mo.

It is always good to have plans, pero kung minsan nakakalimot tayong bigyan ng puwang ang timeline at calendar ni Lord. More often than not, we want to have control over our lives kaya nakaka-disappoint kapag ginawa mo lahat nang tama pero hindi pa rin umayon sa kagustuhan mo ang naging takbo ng buhay mo.

Sa buhay maraming pagkakataon na pinahihintulutan ng Panginoon na ma-delay, magbago, at tuluyan na hindi mangyari ang plano natin. Pero hindi naman ibig sabihin nito na gusto Niya tayong pahirapan at parusahan.

The Lord sees beyond the projected future that we set for our lives. His plans for us are never limited by our age, financial capacity, abilities, and most especially, our timelines and calendars. Kahit ano pa ang sabihin ng iba at anuman ang mangyari sa mga plano natin, kailanman ay hindi nakakalimot ang Panginoon na ibigay sa atin ang buhay na laan Niya para sa atin. Kaya naman kapit lang! Kung hindi man nangyari ang plano mo sa buhay, ihanda mo na ang sarili mo na tumanggap ng the best mula sa Panginoon. Hindi ka mapapahiya kung buong puso kang magtitiwala at maniniwala sa Kanya.

Let’s remember that the Lord doesn’t follow our own schedule. He is a great and an all-powerful God, hawak Niya ang oras at panahon. Sa timeline at calendar Niya hindi ka nahuli at naiwan ng biyahe, saktong-sakto lang ang timing Niya para sa ’yo.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, maraming beses akong nag-aalala kasi pakiramdam ko napag-iwanan na ako. Maraming planong hindi natupad, at napapagod na ang puso kong maghintay. Give me the grace to wait patiently. I trust and believe that You have the best plan for me. In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION

Write this on your calendar: Trust in God’s timing. He has the best plan for you!

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 8 =