25

OCTOBER 2026

Pagod Ka? Lapit Ka Kay Lord

by | 202610, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Precious Marian Calvario

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat ako’y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibinibigay ko sa inyo.”

Mateo 11:28–30

Matapos ang stressful na araw, ang gusto mo lang sana ay magpahinga pero kailangan mo pang gawin ang mga gawaing-bahay o side hustle mo. Idagdag mo pa sa stress ang mahabang oras ng commute dahil sa baha o trapik. Iniisip mo rin paano iba-budget ang suweldo mo sa mga bayarin at pataas na bilihin. Kulang sa tulog pero kailangang bumangon nang maaga para hindi ma-late. Iniisip mo pa lang ang ang mga gagawin mo, napapagod ka na. Tara, magpahinga ka muna.

Sa panahon ni Jesus, Jews lived under the authority of the Romans na nagpataw sa kanila ng mataas na tax. Hindi pa nakatulong na talamak ang korapsyon ng Roman officials at maging ng ilang Jews na nagtatrabaho para sa kanila. Bukod dito ay may tax din silang binabayan sa Jewish temple. Imagine, ang ordinaryong mangingisda na magpo-provide sa pamilya, magbabayad ng tax sa Roma at tax sa templo, samahan pa ng laws and traditions na kailangang sundin tapos wala kang nahuling isda sa loob ng isang linggo. Saan kukuha ng pambayad ang mangingisda sa mga tax at pantustos sa pamilya?

In Matthew 11:28–30, Jesus invited all those who are weary and burdened and He will give them rest. To take His yoke and learn from Him for He is gentle and humble in heart. They will find rest for their souls because His yoke is easy and His burden is light. Hindi lang physical rest ang offer na ito kundi spiritual rest, an invitation to have a personal relationship with Jesus.

Jesus is inviting you, “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.” Will you accept Jesus’ invitation today?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, I accept Your invitation to rest. Please allow me to experience the rest that Jesus promised in Matthew 11:28–30. Amen.

APPLICATION

Maglaan ng oras at pumunta sa lugar na walang distraction para makapag-spend ng time kay Lord. Sa iyong journal, isulat mo ang lahat ng saloobin mo. Manalangin at basahin ang Bible.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 1 =