29
OCTOBER 2026
Vote for a Better Philippines
Ngunit pumili ka ng mga taong may kakayahan, may takot sa Diyos, mapagkakatiwalaan at di masusuhulan. Gawin mo silang tagapangasiwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu at sampu-sampu.
Exodo 18:21
Ang sabi sa isang social media post: “Kaya maunlad ang city namin hindi lang dahil sa mahusay na leader, pero bumoto kasi kami ng tama.”
Totoo. Leadership affects everyone, pero voting wisely is our responsibility. Ang tamang boto ay hindi lang simpleng pagpili; ito ay isang moral at spiritual decision.
Sa Exodus 18:21, binigyan si Moses ng payo: pumili ng mga taong may takot sa Diyos, maaasahan, at hindi corrupt. Hindi ito popularity contest. Hindi ito tungkol sa kung sino ang sikat o mabango sa social media. Dapat character-based ang pagpili, dahil ang tunay na pamumuno ay nakasandal sa values, integrity, at malasakit sa tao.
Kung gusto natin ng maayos na Pilipinas, dapat magsimula sa maayos na desisyon. Ang pagboto ay hindi powerless act. Hindi lang ito papel sa balota, kundi bahagi ng accountability natin sa Diyos at sa next generation.
There is also a warning: do not give in to vote buying. Selling your vote is selling your future. No matter how small or big the amount offered, it can never outweigh the long-term consequences of choosing the wrong leader. Let us stand firm — huwag natin ipagpalit ang ating prinsipyo sa pera. Huwag tayong maging “bobotante.” Remember: Suffering today is the result of our wrong choices yesterday.
Some people say, “Wala namang nagbabago kahit bumoto ako.” Pero huwag tayong mawalan ng pag-asa! Voting is not only about the results but also about being faithful to our responsibility. Our one vote, joined with others who choose wisely, can shape a better tomorrow.
Most of all, let us not forget: kahit sino pa ang mahalal, ang tunay na pag-asa ng bayan ay nasa Diyos! Kaya bago tayo bumoto, seek God and pray. And after the election, manatiling active — bantayan, suportahan ang tama, ituwid ang mali, at ipagdasal ang ating government leaders.
LET’S PRAY
Lord, bigyan po Ninyo ako ng wisdom na pumili ng may takot sa Inyo. Palakasin Ninyo ako upang tumanggi sa vote buying. Ipaalala Ninyo po sa akin na may saysay ang aking boto at panalangin.
APPLICATION
Handa ka bang tumanggi sa vote buying at maging tapat na witness this coming election? Seek God’s wisdom.
SHARE THIS QUOTE
