3
JANUARY 2026
A Painful Act of Love
Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Yahweh, “Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. Baka pumitas siya at kumain ng bungangkahoy na nagbibigay-buhay at hindi na siya mamatay.” Kaya, pinalayas niya sa halamanan ng Eden ang tao upang magbungkal ng lupang kanyang pinagmulan.
Genesis 3:22–23
“Lumayas ka!” sigaw ng amang galit na galit sa pasaway na anak. ’Di ba madalas nating napapanood ang ganyang eksena sa mga teleserye? Nangyayari din ‘yan sa real life. Dahil sa isang kasalanan o pagkakamali, minsan we end up losing our temper and hurting those we love the most. Ang dating matatag at buong relationship, nawawasak.
Naalala mo ba ang nangyari sa Garden of Eden? May pinalayas din dun, ’di ba? Did God lose His temper? Nagagalit ang Diyos, pero hindi Siya nagkakasala. Hindi Siya lumalayo sa atin o nag-gi-give up when we displease Him. Tayo ang lumalayo. ’Di ba nagtago nga si Adam and Eve? Si God nga ang lumapit. Eh, bakit Niya pinalayas ’yung dalawa? Because He loves them. Nung sila ay nag-disobey, ang dating banal, naging makasalanan at ang dating one with God, nagkahiwalay. Heartbroken ang dalawa, pero kung hindi sila pinaalis sa Eden, baka maging sinful sila forever and permanently separated from God. Naroon din kasi sa Eden ang tree of life — eternal life. If they eat the fruit from that tree, forever na silang sinful at hiwalay sa Diyos. Forever cursed. Our loving Father sent them away to protect all of mankind. Anong ama ang gugustuhing magdusa sa kasalanan ang anak nang habang panahon?
Sometimes God’s response may seem harsh to us, pero ito ay dahil may plano Siya na higit sa ating pinapangarap. Wala Siyang ginagawa na hindi love-driven. He always has our best in mind. He always acts in love.
LET’S PRAY
Panginoon, thank You for Your love that always protects, no matter what we face. Salamat din for providing a way para maayos ang relasyon ko sa Inyo. Binigyan N’yo kami ng Tagapagligtas, si Jesus Christ, who died for our sins and rose again, so we can be forgiven and reconciled to You for all eternity. Thank You, Lord. Amen.
APPLICATION
Do you know someone who is down and disappointed? Ipanalangin mo siya. Sana ay buksan ng Panginoon ang kanyang mga mata sa kabutihan ng Diyos at lalo pang lumalim ang kanyang faith. Share this devotion, too.
SHARE THIS QUOTE
