9

MAY 2022

A Widow’s Grief

by | 202205, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Prexy Calvario

Nahabag ang Panginoon nang kanyang makita ang ina ng namatay kaya’t sinabi niya rito, “Huwag ka nang umiyak.”

Lucas 7:13

Matapos magpagaling ni Jesus ng may sakit (Lucas 7:1–10), pumunta Siya sa bayan ng Nain kasama ang Kanyang disciples at madaming tao na sinusundan Siya. Sa pagpasok nila sa gate ay nakasalubong nila ang libing ng nag-iisang anak na binata ng biyuda. Nang makita ni Jesus ang biyudang ina ng binata, nahabag ang Panginoon kaya’t sinabi niya rito, “Huwag ka nang umiyak” (Lucas 7:11–13).

Mahirap ang hindi umiyak kung matapos mong ma-biyuda ay namatayan ka naman ng nag-iisang anak. What makes it even more difficult is that during Jesus’ time, if a husband dies and there’s no son left in the household, the wife will be left to beg. Sa kultura nila, ang mga lalaki lamang ang may oportunidad na makapag-provide sa kanyang pamilya. So you can just imagine the depth of the widow’s grief. Hindi lamang siya namatayan ng mahal sa buhay. After the funeral, she would be facing an uncertain future — poor and alone.

But Jesus saw her. Nakita ng Panginoon hindi lamang ang paghihinagpis ng biyudang namatayan ng anak, kundi maging ang kanyang kalagayan. Naawa si Jesus at sinabi sa kanya, “Huwag ka nang umiyak,” at nilapitan ang bangkay. Sinabi Niya, “Binata, makinig ka sa Akin, bumangon ka!” Jesus raised the widow’s son from the dead! Naupo ang binata at nagsalita; at siya’y ibinigay ni Jesus sa kanyang ina.

Marahil ay may mga bagay na nawala sa buhay mo o mahal sa buhay, kaibigan at kasamahan na pumanaw na. Sa gitna ng iyong pagdadalamhati, hindi mo sukat isipin kung paano ka magpapatuloy sa buhay sa mga susunod na araw. Kapatid, Jesus sees you. Alam Niya, tulad ng nangyari sa biyuda, ang kalagayan mo at maging ang kinabukasan mo sa Kanya. Jesus touched the widow’s son’s dead body and brought it back to life. At Siya mismo, matapos Niyang ipako at mamatay sa krus ay nabuhay na magmuli. Jesus conquered death. At darating ang araw na papahirin Niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, dalamhati, pagtangis, at paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bagay (Pahayag 21:4). Ito ang pangako ng Diyos sa lahat ng nananampalataya sa Kanya. Do you believe this promise?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, I praise You for You are our compassionate God. Kahit na wala kaming lakas na lumapit sa Inyo, alam Ninyo na Kayo ay aming higit na kailangan. Kayo mismo ang lumalapit sa amin upang iparanas ang Inyong pagmamahal, habag, at grasya. Hilumin po Ninyo ang sakit na dulot ng aking pagdadalamhati at yakapin Ninyo ako sa mga pagkakataon na pakiramdam ko ay mahina ako at mag-isa ako. Tinatanggap ko po Si Jesus bilang aking Panginoon at ang pangako Ninyong buhay na walang hanggan.

APPLICATION

Sa iyong journal, isulat mo sa Panginoon ang lahat ng mga nararamdaman mo at pati ang mga pangamba at takot mo. Ask Him na bigyan ka ng bukas na isip at mangusap Siya sa iyo. Buksan at basahin ang iyong Bible at asahan ang sagot Niya sa iyo.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 15 =