23

AUGUST 2024

Akala Ko Mamamatay na Ako

by | 202408, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Marlene Legaspi-Munar

Kapag aking nagunitang, “Ang paa ko’y dumudulas,” dahilan sa pag-ibig mo, O Yahweh, ako’y tumatatag. Kapag ako ay ginugulo ng maraming suliranin, ang wagas na pag-ibig mo ang umaaliw sa akin.

Awit 94:18–19

Hatinggabi noon. Nagising si Zoey dahil naramdaman niyang masakit na masakit ang kanyang talampakan, hanggang sa gumapang sa kanyang binti ang sakit at nakita niyang minamanas na ang kanyang paa. Kinabahan siya. Maya-maya, hindi na siya makahinga. Lalo siyang natakot. Mag-isa lang siya noon sa bahay at walang ibang mahihingan ng tulong dahil disoras na ng gabi. Lord, anong gagawin ko? Naiiyak na si Zoey. Sa kalituhan, napasabi siya ng, “Jesus!” Pagkasabi niyon, bumalik ang kanyang presence of mind at nag-book siya ng taxi para magpunta sa ospital.

“Akala ko mamamatay na ako,” kuwento ni Zoey sa mga kaibigan nang ma-discharge na siya sa ospital. “Pero inisip ko na lang na hindi ako pababayaan ni Lord. Mahal ako ni Lord. Salamat sa Kanya at bumalik ang presence of mind ko. At buti na lang, may available agad na driver nang mag-book ako sa app.” Bukod doon, mag-isa man si Zoey na nagpunta sa ospital, pagdating naman niya sa ER, may bantay ng isang pasyente na sinamahan siya nang ilang minuto habang hinahanda ng nurse ang mga gamot niya.

Maaaring dumadaan ka rin sa isang sitwasyon na akala mo, katapusan mo na. Parang wala ka nang pag-asa. Pero kagaya ni Zoey at ng writer ng Psalm 94, kung aalalahanin natin ang pag-ibig at awa ng Diyos sa atin, makakaranas tayo ng peace. Magiging matatag tayo. Tutulungan tayo ni Lord anuman ang ating suliranin.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, Your unconditional love and unlimited grace are much greater than any trouble I will experience. Salamat sa pag-ibig mo na nagpapatatag at umaaliw sa akin sa panahon ng kaguluhan.

APPLICATION

Balikan mo ang isang incident kung saan nagpadala ng tulong ang Diyos sa iyo (o sa kakilala mo). Kapag naharap ka muli sa isang mabigat ng sitwasyon, remember God’s love and how He helped you in the past. God will do it again.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 12 =