19
JULY 2024
“Ako Ito!”
Welcome sa pangalawa at huling bahagi ng ating short series na “Huwag Kang Matakot.”
Ngunit nagsalita agad si Jesus at sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot, ako ito!”
Mateo 14:27
Madaling araw, nasa gitna ka ng dagat. Madilim, malamig ang hangin, at malakas ang hampas ng alon. Tapos, may makikita kang taong naglalakad sa ibabaw ng tubig. Matatakot ka talaga at mapapasigaw ng ‘Multo!’ Kahit anong astig mo, titiklop ka sa takot; kahit anong tapang mo, manginginig ka sa kaba.
Ganito ang naranasan ng mga disciple (Mateo 14:22–26). Ngunit nang sabihin ni Jesus na, “Huwag kayong matakot, ako ito!” naglakas-loob si Peter na pumunta sa kinaroroonan ni Jesus. Nang mapansin niya na malakas ang hangin, natakot siya at nagsimulang lumubog. In this desperate situation, alam ni Peter ang gagawin at sino ang dapat tawagin. He could have called other disciples to save him from drowning, or he could swim back to the boat, but he trusted the Lord and cried, “Lord, save me!”
Marami tayong takot sa buhay, ‘yung iba takot sa daga o ipis, ‘yung iba naman may fear of heights o takot sa masikip na lugar. Others are afraid of dying, being neglected or forgotten, while some are afraid of the future. In all of these, sabi ni Jesus, “Huwag kayong matakot, ako ito!” Parang sinasabi Niya, “Relax ka lang, sagot kita!”
For as long as we have Jesus in our hearts, we are safe — whether it’s in the wilderness or in the mountains, in the fiery furnace or in the lion’s den, in prison or in the midst of a raging sea. Anumang sitwasyon at pagkakataon, lagi nating kasama si Jesus, sapat na ang mga salitang “It is I!” para maalis ang ating mga takot at pangamba. In the original Greek it’s Ego Eimi, two powerful and significant words asserting Jesus’ power, sovereignty, and deity.
So whenever fear creeps in, let’s remind ourselves of His promise in Deuteronomy 31:8 (NIV): “The Lord Himself goes before you and will be with you; he will never leave you nor forsake you. Do not be afraid; do not be discouraged.”
If you’ve enjoyed listening to this podcast and would like to support the ongoing efforts of this ministry, you can do so by visiting https://www.cbnasia.org/give or click the heart icon on the Tanglaw App and make a donation. Thank you.
LET’S PRAY
Lord Jesus, tulungan po Ninyo kaming harapin ang aming mga takot at pangamba sa buhay. Gamitin Ninyo po ang mga ito upang mapatatag ang aming pananalig sa Inyo. Kapag kami po’y natatakot, remind us that You are there, ready to embrace us and calm the storm in us. Amen.
APPLICATION
Be honest and list all your fears. Then cry out to Jesus and ask Him to remove all these fears.