18
JULY 2024
Do Not Fear Bad News
Masamang balita’y hindi nagigitla, matatag ang puso’t kay Yahweh’y tiwala.
Awit 112:7
Kapag nakakita ka ng taong nakakunot ang noo, lukot ang mga labi, at malungkot ang mga mata, malaki ang tsansa na ang dala-dala nito ay bad news. Ang unang papasok sa isip mo siguro ay umiwas agad sa taong ito. Sino ba naman ang may gusto na makarinig ng bad news. Wala, ‘di ba?
May sinabi sa Bible na isang klase ng tao na hindi takot sa bad news. Ang taong ito, ayon sa ating verse for today, ay yung taong matatag ang puso at may tiwala sa Diyos. Alam niya na ang kanyang pundasyon ay nakatayo sa matibay na pangalan ni Jesus. Kahit na anong lakas ng ihip ng hangin at bayo ng alon ay hindi matitibag ang tiwala ng taong ito sa kanyang Diyos.
Kapag binasa mo ang buong kabanatang ito ng Awit 112, you will discover other traits that describe this person such as the following:
Ang mga katangiang ito ay nagsasabing hindi lang walang takot sa bad news ang taong dinescribe sa Awit 112, kundi siya rin ay abundantly blessed ni Lord sa napakaraming bagay.
Gusto mo bang maging katulad ng taong ito? Nagu-umpisa ito sa pagbibigay ng iyong buong tiwala kay Jesus. Tanggapin mo Siya bilang iyong Diyos at Tagapagligtas. Sumunod ka sa mga ipinag-uutos Niya na mababasa mo sa Biblia. Slowly, you will notice changes in how you view and deal with the issues of life. You will become a source of Good News for many people, not bad news.
Kita-kits tayo uli bukas para sa last part ng ating short series na “Huwag Kang Matakot.”
LET’S PRAY
Panginoong Jesus, magtitiwala ako sa kabutihan at biyaya Mo araw-araw. Pagtibayin Mo po ako at huwag hayaan na magkaroon ng takot sa kung ano man ang mga pagsubok na ihaharap ng mundo sa akin. Amen.
APPLICATION
Sa iyong Prayer List, ilista mo ang mga bad news na maaaring magbigay ng takot sa iyo. Ipagkatiwala mo ito sa Diyos at hingin ang Kanyang kalakasan.