26

JULY 2024

Alone in the Wilderness

by | 202407, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Clarissa Estuar-Navarro

Pinagpala kayo ni Yahweh sa lahat ng inyong ginawa, at hindi niya kayo hiniwalayan sa inyong paglalakbay sa ilang. Sa loob ng apatnapung taon, hindi kayo nagkulang sa anumang bagay.

Deuteronomio 2:7

There’s a quote from legendary American football coach Knute Rockne which goes like this: “All the world loves a winner and has no time for a loser.” Nakakarelate ka ba rito? Ginagawa mo na ang lahat to achieve your goals, pero parang walang nangyayari. When things arent going your way, minsan, mas madaling manahimik — wag magkuwento kung ano ang pinagdaraanan mo. Pakiramdam mo kasi, nakakahiyang aminin na talunan ka. Pero dahil dito, you end up alone and isolated.

Yes, it’s is easy to feel that God has abandoned you. This is especially true kapag alam mong maling desisyon o kaya disobedience kay Lord ang rason kung bakit nasa sitwasyon kang kinalalagyan mo. Feeling mo, deserve mo na talikuran ka ni Lord. 

Ito ang sitwasyon ng Israel pagkatapos nilang makalaya sa slavery sa Egypt. Paulit-ulit nilang sinuway ang Panginoon by complaining, showing unbelief, and worshipping other gods. Dahil dito, inabot ng forty years ang journey nila papunta sa Promised Land na dapat ay ilang araw lang ang itinagal. Parang napakabigat yata ng consequence na naranasan nila. And yet the Bible reminds us that in the middle of the wilderness, God was there. He provided for the needs of His people.

Nasa wilderness ka rin ba ngayon? Does your life seem barren, fruitless, and hopeless? Know this: you are not alone. God is right there with you, waiting for you to turn to Him for help and comfort.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, marami na akong nagawang mali. I ask for Your support and guidance para hindi ako lalong maligaw. Change my heart so that I can trust and believe in You. Change me so that I can truly become Your child and have a claim to Your promises.

APPLICATION

Basahin ang Bible verse na applicable sa sitwasyon mo ngayon. Isulat ito at ipaskil sa isang lugar kung saan mo laging makikita.

Awit 118:6 — When you feel persecuted at kailangan ng reminder na kakampi mo si Lord.
Mga Taga-Roma 8:28 — When you need help to believe that good can come out of your difficult situation.
Mga Hebreo 4:15-16 — Kapag nahihirapan kang lumapit sa Panginoon para humingi ng tulong.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 15 =