27

JULY 2024

Dumadaan Ka ba sa Matinding Pagsubok?

by | 202407, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by J. Silvestre C. Gonzales

Ngunit alam ng Diyos ang aking bawat hakbang; kapag sinubok niya, lalabas ang kadalisayan.

Job 23:10

Noong bagong Cristiano si Romy, may nagsabi sa kanya, “Mayroong 365 pangako na makikita sa Biblia.” Katulad ng “Ang Diyos ang lakas natin at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan” (Awit 46:1) atHindi kita iiwan ni pababayaan man” (Mga Hebreo 13:5). 

Natuwa si Romy nang marinig niya ito. Sabi niya sa sarili, “Wow ang ganda naman nito! May isang pangako ang Biblia sa bawat araw na puwede kong i-claim.”

Pero di nagtagal, humarap siya sa mga sunod-sunod na trials. Minsan itinakbo niya ang kanilang two-year-old daughter sa hospital dahil nag-convulsion ito. Nag-out of town ang kanyang asawa noon dahil sa mga training na kanyang ginagawa. Sa sobrang pagmamadali niya, napansin niya pagdating sa emergency room na nakapaa lang siya.

After two weeks naman, nagkaroon ng problema sa kanyang opisina. ‘Yung coordinator sa ibang bansa ay nahuli at nakulong dahil sa illegal assembly ng mga Cristiano. Si Romy kasi ay nagtratrabaho sa isang bansa kung saan inuusig ang mga mananampalataya.

Kahit pala maraming pangako sa Biblia, hindi exempted ang mga Cristiano sa mga pagsubok at kahirapan sa buhay. Minsan sa kanyang quiet time, napag-isip-isip niya, “Kung maraming pangako sa Biblia, hindi ba ito’y nangangahulugan na ang buhay-Cristiano ay mahirap? Kaya nga’t kailangan natin ng maraming pangako. Kung madali ang buhay-Cristiano, marahil kaunting pangako lang ang ating kailangan.”

Na-realize tuloy ni Romy na mahirap pala ang buhay-Cristiano. Naalala niya ‘yung kasabihang “Madaling maging tao, mahirap magpakatao.” At ganoon din marahil ang buhay-mananampalataya — madaling maging Cristiano, mahirap ang mamuhay bilang Cristiano. Mabuti na lang, maaasahan natin ang Diyos at ang Kanyang mga pangako.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, tulungan po Ninyo ako na tanggapin ang mga trial na dumarating sa buhay ko. Bigyan po Ninyo ako ng sapat na lakas at katatagan sa pananampalataya para mapagtagumpayan ang mga ito.

APPLICATION

May prayer partner ka ba? Makakatulong siya nang malaki para ma-encourage ka at mabigyan ng mga kaukulang advice.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 8 =