12
OCTOBER 2024
Always Give Thanks
… Magpakatibay kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at lagi kayong magpasalamat sa Diyos.
Mga Taga-Colosas 2:7
Hindi namalayan ni Flora ang hagdan pababa kaya’t bigla na lamang siyang nahulog. Buti na lamang may nakaharang na gamit na kanyang nasandalan at naiapak din niya ang isang paa sa sahig para di tuluyang bumagsak. Because of the force, she used to stop her fall, medyo nanakit ang kanyang paa. Thankfully, after soaking her foot in water with ice at konting masahe, nabawasan din ang sakit.
Habang nagpapahinga, naisip ni Flora na kailangan niyang umakyat-baba, kailangan niyang maglakad papuntang sampayan. Hala, paano niya matatapos ang mga gawain na iika-ika? Doon niya na-realize how easily she took the ability to walk for granted. Na-realize niya na tunay na blessing ang makagalaw without pain, from one point to another, kaya nagagawa natin ang mga bagay na kailangan nating gawin. Naging thankful din si Flora na di siya na-sprain o nabalian. At parang nangusap sa kanya ang Holy Spirit, “Napasalamatan mo na ba ang Diyos for your working legs? What other blessings are yours na you have failed to appreciate?”
Sa Bible, inuutos ng Diyos sa atin ang maging thankful. Maya’t maya pinapaalala Niya sa atin na dahil sa ating ka-busy-han, we take things for granted. O di kaya, kagaya ni Flora, makakalimutin talaga tayo. Not being thankful, however, does not only make us forgetful, but disobedient. Gusto kasi ni Lord na thankful tayo. When we start to grumble and complain instead, like what the recently-freed-from slavery Israelites did in the wilderness, we might be in danger of experiencing God’s discipline. In their case, “the Lord sent venomous snakes among them; they bit the people and many Israelites died” (Numbers 21:6, NIV). Sabi din ni apostle Paul, be thankful lagi — sa lahat ng oras. Even now. O, ready ka na ba magpasalamat sa Diyos?
LET’S PRAY
Lord, forgive me. Madalas nakakalimutan kong magpasalamat lalo na sa mga bagay na laging nariyan. Thank You for being forgiving and loving toward us. Thank You for the gift of life, the ability to see, to read, and so many blessings I forget to count. Make me grow in gratitude. Ito ang aking dalangin sa ngalan ni Jesus, Amen.
APPLICATION
Kumuha ng isang papel at sagutin ang tanong, “What other blessings are yours na you have failed to appreciate?” Pray ka muna for wisdom. After making your list, give thanks to God for each one.