15

NOVEMBER 2023

Amid the Christmas Rush

by | 202312, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Aliya L. Parayno

Christmas is in the air! Kaya hindi natin palalagpasin ang pagkakataon na lalong itatak sa ating mga puso ang tunay na kahulugan ng Pasko. Join us as we celebrate this joyous season with the series “Christmas: It’s About Jesus”.

Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Juan 3:16

Sa isang department store window ay may sign na nakasulat na ganito: “Big pre-Christmas sale. Come at your own risk.” Kung ikaw ang makakabasa ng sign na ito, hindi ba mixed emotions din ang magiging reaction mo? Aba, exciting dahil makakabili ka na agad ng Christmas gifts sa murang halaga, pero nakakatakot din dahil baka madaganan ka ng mga dadagsang mamimili! 

Kidding aside, sa mga panahong ganito, kabi-kabila ang Christmas shopping, parties, buffets, promos, at nagbobonggahang mga dekorasyon. Pero teka, hindi kaya natin nalilimutan ang tunay na diwa ng Pasko? We always hear about the commercialism of Christmas taking over its true meaning. However, we cannot discount the fact na kasama sa excitement ng holidays ang Christmas rush: ang shopping, parties, paglalagay ng decors, at iba pang activities.

That’s why it’s good to be reminded about what this season is all about. John 3:16 gives us the key: “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Why not create Christmas family traditions with John 3:16 in mind? Gawin nating theme ng ating prayer time and devotionals ang tungkol sa birth ni Jesus. Magpatugtog tayo ng Christmas songs reminding us of the circumstances of Christ’s birth. At sa halip na Santa Claus, gingerbread man, at snowman ang naka-display, gawin nating sentro ng living area natin ang isang nativity set. Sharing our blessings is also an integral part of the holidays. Reach out to orphans, street children, the sick and needy, our neighbor who lost a loved one, a friend who got retrenched, and give them the gift of time and encouragement. Imagine how much we can do to make this time a blessed and meaningful season!

Join us again tomorrow as we continue to celebrate this Christmas season with this in mind: It’s all about Jesus!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, we celebrate Christmas because of You! Thank You for the gift of life and love You have given us!

APPLICATION

Make this year’s Christmas season more special by sharing Jesus to others.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 8 =