26

NOVEMBER 2025

Anak Ka ng Tatay Mo! (Sa Langit)

by | 202511, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by PMVClapano

Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag niya tayong mga anak ng Diyos, at iyan nga ang totoo. Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo nakikilala ng mga makasanlibutan: hindi nila kinikilala ang Diyos.

1 Juan 3:1

“Anak ng…” sino bang hindi nakarinig nitong expression na ito tuwing nagagalit ang mga magulang natin? Relate much? Kapag narinig na natin to, titigil na tayo dahil alam nating galit na sila and we need to get our act together, ika nga.

Some of us, mas grabe pa ang narinig kagaya ng mura or discouraging words na galing pa mismo sa supposed cheerleaders natin, sa mga tao na sana’y nagbibigay ng unconditional support.

But maybe it’s time to heal our inner child. Let’s redeem this childhood trauma and convert it as a reminder kung kaninong anak nga ba tayo.

Of course, anak tayo ng mga magulang natin, but as imperfect as they are, marami tayong hurts at tampo sa kanila. Maganda kung sa pagtanda natin, ma-heal ang mga ito. Pero paano kapag sila iyong tipong hindi mo na maririnig ang sorry o di kaya ay wala na silang pagkakataon para bumawi?

Healing comes from our Lord above, ang Ultimate Tatay natin. Ang Tatay na hindi kailanman tayo itatakwil (Psalm 27:10). Ang Tatay na Siyang maghi-heal sa ating childhood traumas. Ang Tatay na magbibigay ng peace sa atin at magbibigay ng capability for us to forgive even if we will not hear the word sorry” mula sa mga nakasakit sa atin lalo na ang ating mga magulang (Psalm 147:3).

So instead na “Anak ng…” kaakibat ng past hurts and traumas ang maalala natin, let us confidently say na, “Yes! Anak ako ng Tatay ko sa langit!”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Lord, please give me the strength to forgive my parents for all the hurts and traumas I experienced from them. I pray that they will come to know You and Your love, as well. Despite all the pain, I know I can heal because of Your grace. Thank You, Father God.

APPLICATION

Do you want to become a child of God? Come as you are and pray. Kausapin mo si Lord, ask for forgiveness, and accept His unconditional love for you.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 11 =