20

JULY 2026

Ang Angkla ng Ating Buhay

by | 202607, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jericho Arceo & Written by J. Silvestre C.Gonzales

Ang pag-asang ito ang siyang matibay at matatag na angkla ng ating buhay…

Mga Hebreo 6:19a

Alam ba ninyo ang isa sa pinakamahalagang parte ng barko? Hindi natin ito usually nakikita kapag nakatigil ang barko. Ito ay ang anchor o angkla. Ang anchor ay mahalaga para sa safety and stability ng barko. It prevents the ship from drifting due to strong winds and waves. Ito ang nagsisilbing primary point of contact between the vessel and the seabed. Nagpro-provide ito ng secure hold para tumigil ang barko sa desired location. Kung walang anchor, posibleng matangay ang barko ng malakas na alon.  

Kung kailangan ng barko ang angkla, kailangan din natin ng angkla sa ating buhay. Ito ay ang Salita ng Diyos. Ito ang nagbibigay ng katatagan at pag-asa sa ating buhay, lalo na sa panahon ng marami at matitinding pagsubok — sa trabaho, sa pag-aaral, sa kalusugan, at sa mga relasyon.

Sunod-sunod ang pagsubok na dumating sa buhay ni Louie. Nawalan siya ng trabaho. Nagkasakit ang kanyang bunsong anak. Hindi sila nag-uusap ng misis niya dahil sa mga trial na dumarating sa kanilang buhay.

Sa kanyang reflection time, nabasa niya ang Awit 46. Sabi sa verse 1, “Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan.” Napadasal siya, “Lord, salamat po sa Inyong paalala sa akin. Thank You at Kayo ang palaging ‘handang saklolo’ para tumulong sa akin. Tamang-tama po itong reminder sa akin.” Napaluha rin siya habang nananalangin.

Ang Bible ay nagbibigay ng guidance para tulungan tayong mag-navigate during difficult times. Ito rin ang nagpro-provide ng steadfast perspective amidst life’s storms.

Kapag ang buhay natin ay naka-angkla sa Salita ng Diyos, tayo ay lalago spiritually at magkakaroon ng mas makabuluhang buhay.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Salamat, O Diyos, na patuloy Kayong nangungusap sa akin sa pamamagitan ng Inyong Salita. Panalangin ko po na palagi kong makita ang kahalagahan ng Inyong Salita sa aking buhay.

APPLICATION

Imemorize mo ang Awit 16:11: “Ituturo mo ang landas na patungo sa buhay, sa piling mo’y madarama ang lubos na kagalakan; ang tulong mo’y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.”

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 13 =