19
JULY 2026
Bayanihan sa Bayan ni Juan
Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng bawat isa, sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo.
Mga Taga-Galacia 6:2
Bilang Pinoy, hindi lang tayo kilala sa ating galing sa pagkanta kung hindi sa ating hospitality din. What better image to portray this than the spirit of Bayanihan? Kung hindi ka pamilyar, ito ‘yung iconic na image kung saan ang buong komunidad ay nag-aambagan ng lakas para buhatin at ilipat ng lokasyon ng isang bahay-kubo. Kapag tinitigan mo ang larawang iyon, halos maramdaman mo ang bigat, ang init, at ang tulo ng pawis — pero nangingibabaw ang diwa ng saya at pagkakaisa. It is a perfect picture of what it means to bear one another’s burden.
Pero ang bayanihan pala ay higit pa sa isang cultural value nating mga Pilipino. Isa rin pala itong spiritual command. Iniutos ito ni Apostle Paul in his letter to the Galatian church: “Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng bawat isa, sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo” (Mga Taga-Galacia 6:2). When we bear each other’s burdens, we learn to love like Jesus.
But in this day and age na kung saan tayo ay super busy and disconnected, paano kaya natin maisasabuhay muli ang spirit ng Bayanihan?
Puwede natin itong simulan by being genuinely curious about people. Each person in our circle of influence should not just be another name we know. Lahat tayo ay may kanya-kanyang kuwento. Meron tayong bigat na dinadala. At kung bibigyan natin ng pansin ito, malalaman natin that people need someone who will be curious enough to ask them if they want to share their burdens.
We can also be practical. Kapag alam natin na may kaibigan tayong may sakit, puwede natin silang dalawin. Kung narinig rin natin ang isang kakilala na may pangangailangan, pwede rin naman tayong magpasa ng tulong via mobile apps.
Ang bawat pagkumusta, pakikinig, at pag-abot ng tulong at maging ng panalangin ay makakatulong sa marami. And we are not called to do it alone. We can have friends do it with us. Iyan ang Bayanihan sa Bayan ni Juan, at iyan ang pagtupad sa utos ni Cristo.
LET’S PRAY
Lord Jesus, reveal to me ways I can help people lighten their burdens. Make me available to help. Amen.
APPLICATION
Pray and ask the Lord to bring people to mind, those you can help with your practical, emotional, and spiritual support this week.
SHARE THIS QUOTE
