13

JULY 2024

Ang Babaeng Ebanghelista

by | 202407, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Kit Cabullo

Maraming Samaritano sa bayang iyon ang nanalig kay Jesus dahil sa patotoo ng babae, “Sinabi niya sa akin ang lahat ng aking ginawa.” Kaya’t pumunta sila kay Jesus at nakiusap na tumigil muna siya roon, at tumigil nga siya roon sa loob ng dalawang araw. At marami pang sumampalataya nang mapakinggan siya.

Juan 4:39–41

Sa panahon ni Jesus, marami silang hindi ginagawa ayon sa kultura. Hindi basta-bastang makikipag-usap ang babae sa isang lalaki — lalo na sa isang religious teacher. It’s also not good for a religious man to talk to a woman who is divorced or is known for unfaithfulness. Hindi rin nakikihalubilo ang mga Hudyo sa mga Samaritano . However, in John 4, Jesus was talking to a Samaritan woman who has a very complicated marital status. He broke all those cultural standards!

Napakahaba pa nga ng usapan nila. In fact, this is the longest conversation in the Bible that Jesus had with another person! Sinadya niyang makausap ang babae kahit pa napakaraming nalabag na unspoken rules. Naging patient pa si Jesus at napag-usapan pati ang personal na buhay at mga maling pananaw ng Samaritan woman. Higit sa lahat, sinabi sa kanya ni Jesus ang katotohanan kung sino Siya, isang bagay na hindi Niya sinasabi sa iba — na Siya ang Messiah. Hindi sa mga unang disipulo na tinawag Niya (Juan 1) o kay Nicodemus na magaling na guro (Juan 3). In the end, the Samaritan woman became the second evangelist in the Gospel of John, next to John the Baptist. She proclaimed that Jesus is the Christ! “Maraming Samaritano sa bayang iyon ang nanalig kay Jesus dahil sa patotoo ng babae” (v. 39). 

The Lord calls according to His will and not to the standards and qualifications of this world. Sa panahon ngayon, hindi pasado ang Samaritan woman. But the Bible says, “He looks kindly on the lowly” (Psalm 138:6). Ang Diyos ay nagpapakilala at nagtatawag ng mga taong maglilingkod sa Kanya, kasama ang mga may kumplikadong buhay gaya ng Samaritan woman.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Father, thank You for loving us despite our past, our capability, or our poverty. Tulungan po Ninyo akong ibigin pa Kayo nang lubusan at paglingkuran ng husto.

APPLICATION

Kung nais mong maglingkod sa Diyos, don’t be discouraged by your weaknesses or the things you lack. Lumapit tayo sa Kanya sa pamamagitan ng isang Christian church or community na isinasabuhay ang pagmamahal at katuruan ni Jesus. Whatever background or capability you have, let Him empower and equip you.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 11 =