21
JUNE 2023
Ang Babaeng Nangalunya
Welcome back sa second installment ng ating series na “Si Jesus at ang Mga Babae.”
“Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya.”… Nang marinig nila iyon, sila’y isa-isang umalis, simula sa pinakamatanda. Iniwan nila ang babaing nakatayo sa harap ni Jesus. Tumayo si Jesus at tinanong ang babae, “Nasaan sila? Wala na bang humahatol sa iyo?” “Wala po, Ginoo,” sagot ng babae. Sinabi ni Jesus, “Hindi rin kita hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan.”
Juan 8:7, 9–11
Alam ni Jesus na hindi hustisya ang hangad ng mga Jewish leader nang iharap sa kanya ang babaeng nangalunya. They wanted to trap Him to do something they could hold against Him. Kapag pinalaya Niya ang babae, paglabag iyon sa Mosaic Law that required the stoning of the adulterous woman. Kapag hinayaan Niyang patayin ang babae, paglabag naman iyon sa Roman laws that prohibited the Jews in carrying out their own execution (Juan 18:31;19:7). Walang batas na sinuway si Jesus nang ipag-utos Niya na sinuman ang walang kasalanan ang maunang bumato sa babae. This encounter of Jesus with the adulterous woman demonstrates His unconditional love to everyone coupled with justice and mercy. Instead of condemnation, Jesus addressed the woman’s most urgent need for mercy and forgiveness.
Ang kapatawarang ipinagkaloob ni Jesus sa babaeng nangalunya ay naranasan din ni Erlinda. Lumaki siya sa magulong pamilya at walang nadamang pagmamahal sa mga magulang. Hinanap niya ito sa pagkikipag-boyfriend pero nabigo siya. Nagkaroon siya ng dalawang anak sa magkaibang lalaki na kapwa siya inabandona. Upang matustusan ang pagpapalaki sa mga anak, nagtrabaho siya sa abroad, pero bumagsak sa prostitusyon. Isang Japanese ang kanyang nakilala at nag-alok ng kasal. Tinanggap niya iyon, alang-alang sa kinabukasan ng mga anak. Sa Japan ay kinatagpo siya ng Panginoon nang maimbitahan siya sa isang simbahan. Doon niya natagpuan kay Jesus ang pagmamahal na hinahanap at kapatawaran sa kanyang mga kasalanan. Malugod din siyang tinanggap ng mga kapatiran. Ngayon ay masaya siyang naglilingkod sa Panginoon kasama ang pamilya.
God loves us, and He demonstrates this by forgiving us of all our sins through the death of His Son Jesus. In Christ, there is no condemnation (Romans 8:1). Likewise, He wants us to love one another and not to condemn one another.
Bukas, samahan natin si Jesus sa pagpasok Niya sa templo at alamin ang masasabi Niya tungkol sa isang babaeng nakakuha ng Kanyang pansin. Mgkita-kita po tayo bukas!
LET’S PRAY
Lord, I praise You for Your love, forgiveness, and mercy. Thank You for filling me with Your Spirit so I can live each day for You. Amen.
APPLICATION
Do not react judgmentally and throw stones at those who sin. Instead, pray that they will experience the saving love of Christ.