7

SEPTEMBER 2024

Ang Diyos na Nagmamalasakit

by | 202409, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Mil Matienzo

Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.

1 Pedro 5:7

Do you worry? Nakakaranas ka rin ba ng mga pagkakataon na labis ang iyong pag-aalala? Bahagi na ng ating human experience ang mag-alala sa mga bagay na hindi natin naiintindihan o sa mga hinaharap na hindi natin nalalaman.

Kahit gaano man kahusay ang ating paghahanda para sa katuparan ng ating mga plano, marami pa ring mga bagay ang nangyayari nang hindi inaasahan. That’s why even the best planners among us can’t help but worry when things are not going according to plan.

The Bible gives us a clear directive: We should give our cares to the Lord. Mababasa natin sa Salita ng Diyos ang napakaraming paalala para magtiwala tayo sa Diyos at ibigay sa Kanya ang ating mga alalahanin. Sa liham ni Peter, we are being reminded na mayroong Diyos na nagmamalasakit sa atin kaya’t wala tayong dapat na ipag-alala (1 Pedro 5:7).

God’s word does not invalidate our worries, but it encourages us that whatever it is we are worrying about, we can give to God, and He will take care of us. Kung iisipin natin, it is such a great encouragement that the all-powerful God who created the universe cares for us. Maaari tayong maging payapa sa katotohanan na sa kabila ng ating pagod at pag-aalala, nariyan ang Diyos na hindi tumitigil sa pagmamalasakit sa atin.

Gaano man kabigat ang ating mga dalahin at pag-aalala sa isang hinaharap na hindi natin natitiyak, makakaasa tayo sa tapat na malasakit ng ating Diyos. Ang ating cares and worries ay reminder sa atin na sa ating mga sarili lamang, hindi talaga natin kakayanin ang mga pagsubok sa buhay. At dahil hindi natin kaya mag-isa ang buhay na ito, paalala din ito na kailangan natin ang Diyos. Isa itong imbitasyon para sa atin to cast our cares upon the Lord because He cares for us.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, tulungan Mo po ako na itiwala sa Iyo ang mga alalahanin ko. Salamat po sa walang hanggan at tapat na malasakit Mo.

APPLICATION

What is making you worry now? Give them to the Lord in prayer.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 2 =