24

FEBRUARY 2023

Ang Diyos na Nakakakita

by | 202302, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Michellan Alagao

“Jesus, the Great Healer” — iyan ang series na sinimulan natin kahapon. Let’s listen to today’s devotion and trust God for healing.

Kaya’t nasabi ni Hagar sa sarili, “Talaga bang nakita ko rito ang Diyos na nakakakita sa akin at hanggang ngayo’y buháy pa rin ako?” Kaya’t tinawag niya si Yahweh nang ganito: “Ikaw ang Diyos na Nakakakita.”

Genesis 16:13

Unfortunately, maraming kasamaan ang nagaganap sa broken at sinful na mundo natin, tulad ng pang-aabuso at pagsasamantala. Baka naitanong mo na sa iyong sarili: Nasaan ang Diyos noong inaabuso ako o ang kaibigan ko? Hindi natin ito masasagot sapagkat tayo ay tao lamang at marami tayong hindi alam. But know and believe that God’s heart grieves when innocent people are abused, in suffering, and in pain. Kinamumuhian Niya ang mga marahas (Psalm 11:5).

Kahit na ligtas na ang isang tao sa abuse at violence, may epekto pa rin ito sa kanyang buhay. Survivors of abuse suffer from trauma. Hindi nawawala ang trauma overnight. Alam ito ng Diyos at nais Niya tayong tulungang ma-process ang ating trauma. There are times when He provides avenues for help, tulad ng loved ones, friends, mga ka-church, counselors, pastors, mga organization, and so on.

Ngunit hindi natin sila kasama sa bawat oras. Ang Panginoon lamang ang kasama natin 24/7. Nakikita Niya tayo kapag walang ibang nakakakita o nakakaintindi sa atin. God weeps when we weep. God sees. He sees your pain. He sees you.

Thank you for joining us today. We encourage you to invite others too, especially those in need of healing. Bukas, pakinggan natin ang isa na namang mensahe ng Diyos sa atin tungkol sa ating kagalingan. See you!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, You see. You know what I have/my friend has been through. Nakita Ninyo ang lahat ng paghihirap at abuso na dinaanan ko/ng kaibigan ko. Please send Your divine strength. I pray for physical, mental, and emotional healing for myself/my friend.

APPLICATION

Kung ano man ang iyong naranasan na sakit o pang-aabuso, know and trust that God wants to heal you and release you from your pain. There is no shame in seeking help from others as you process your abuse. If it is not you who has gone through abuse, but you know a friend who has, pray and reach out to them. Tanungin mo ang Holy Spirit kung ano ang puwede mong gawin o sabihin para matulungan ang iyong kaibigan. You can also chat and pray with our counselors.

INSPIRATIONAL QUOTES

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 12 =