1

MARCH 2021

Ang Eternal Word ni God

by | 202103, Devotionals, God's Word

Share with family and friends

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay

Oo, ang damo’y nalalanta, at kumukupas ang mga bulaklak, ngunit ang salita ng ating Diyos ay mananatili magpakailanman.

Isaias 40:8

Sino sa inyo ang nag-alaga ng Tamagochi noong bata pa sila? O naadik sa paglalaro ng Pokemon Go? Nakatikim na ba kayo ng shawarma? O baka naman mahilig kayong bumili ng milk tea. Tamagochi. Pokemon Go. Shawarma. Milk tea. What do these things have in common? Lahat sila naging uso at one point in time. Sa kaso ng milk tea, uso pa rin hanggang ngayon.

Alam ninyo kung ano ang hindi nawawala sa uso? Ang Salita ng Diyos. Buhay ito at hindi nagbabago (1 Pedro 1:23). Hanggang ngayon, relevant pa rin siya. Ilang taon o dekada man ang magdaan, makaka-relate pa rin tayo rito. Pagod? “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan” (Mateo 11:28). Brokenhearted? “Tinutulungan niya, mga nagdurusa at di binibigo ang walang pag-asa” (Awit 34:18).

Gusto mong magpasalamat kay Lord? “Tayo na’t lumapit, sa kanyang presensya na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak” (Awit 95:2).

Anuman ang nararamdaman natin—tuwa, galit, lungkot, o takot—may Bible verse para rito. Anuman ang ating pinagdadaanan, meron tayong makikitang passage sa Bible na makakatulong sa atin. Marami rin tayong mapupulot na lesson sa buhay ng iba’t ibang Bible characters. Tuturuan tayo ni Hannah na magtiwala na kayang sagutin ni Lord ang ating mga panalangin. Si Jonah? Malalaman natin sa kanyang kuwento ang consequence ng hindi pagsunod sa utos ni Lord. At mababasa natin sa Acts ang tungkol kay Stephen, at ang reward na natanggap niya bunga ng kanyang katapangan at katapatan.

So ano pang hinihintay natin? Let’s read God’s Word. Malaos man ang lahat ng paborito natin, hindi kailanman mawawala sa uso ang Salita ng Diyos.

Share this encouraging page to family and friends.

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, salamat dahil relevant pa rin ang Bible hanggang ngayon. Tulungan Ninyo akong maging excited tuwing babasahin at aaralin ko ang Salita Ninyo. Amen.

APPLICATION

Humanap ng verses na puwede mong balik-balikan kapag masaya, malungkot, galit, o takot ka. Ilista ang mga ito sa isang notebook o i-save sa iyong cellphone.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 13 =