2
SEPTEMBER 2024
Ang Kuya ng Alibughang Anak
Sumagot ang ama, ‘Anak, lagi kitang kapiling at ang lahat ng aking ari-arian ay sa iyo. Nararapat lang na tayo’y magsaya at magdiwang, sapagkat patay na ang kapatid mo, ngunit nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.’
Lucas 15:31–32
Sa kuwento ng “The Parable of the Lost Son” sa Luke 15:11 to 32, mababasa natin na may dalawang anak na lalaki ang tatay. Ang isa ay maituturing na alibugha dahil hiningi na niya agad ang kanyang mana at ito’y winaldas sa bisyo. Matapos maubos ang pera, siya’y naghirap kaya naisipan niyang umuwi sa kanila. Buong puso siyang tinanggap at pinatawad ng kanilang tatay. May welcome back party pa nga para sa kanya. Pero ang kuya ng alibughang anak ay nagalit at nagselos sa ginawa ng kanilang tatay. Sumama ang loob niya dahil pinaghandaan pa ang kapatid niya kahit hindi naman ito naging mabuting anak.
Kung paano pinaramdam ng tatay ang pagmamahal sa kanyang alibughang anak, ganoon din ang pagmamahal at pag-unawa na ibinigay niya sa panganay na anak. Sinabi niya, “Anak, lagi kitang kapiling at ang lahat ng aking ari-arian ay sa iyo. Nararapat lang na tayo’y magsaya at magdiwang, sapagkat patay na ang kapatid mo, ngunit nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.”
Gaya rin ba tayo ng kuya ng alibughang anak, na minsan ay nagseselos at naiinggit kapag may mga taong tila mas pinagpapala ng Panginoon? Hashtag Sana All. Minsan pakiramdam natin may favorite ata si Lord.
In the parable, both sons are lost. Ang bunsong anak, lantad ang pagka-alibugha, at ang panganay naman ay nagmamalaki na siya ang mabuting anak. Like the father in the story, our Father in Heaven never shows favoritism. He loves all His children equally. Just because we see that others seem more blessed or receive greater compassion doesn’t mean He loves us any less.
The heart of our Father in Heaven is full of love for you. Believe and receive His gracious and forgiving love. Hindi kailangan pagsumikapan ang pagmamahal Niya. Maniwala ka, mahal ka ng ating Tatay sa langit.
LET’S PRAY
Panginoon, maraming salamat sa pagmamahal Ninyo. Patawarin Ninyo ako dahil minsan naiingit ako sa kapwa ko. Buksan Ninyo ang aking mga mata nang makita ko ang napakaraming pagpapala Ninyo sa akin. In Jesus’ name I pray. Amen.
APPLICATION
Read Ephesians 1:3–13. Pray using these verses and be confident of God the Father’s love for you.