3
SEPTEMBER 2024
Ligtas sa Lilim
Sa panganib at bitag, ika’y Kanyang ililigtas at kahit ano mang matinding salot ay di ka magdaranas.
Awit 91:3
Araw-araw, marami tayong naririnig na negative news na nangyayari sa ating paligid — mga virus at sakit na kumakalat, mga nakawan, mga patayan, mga aksidente sa daan, mga sunog, mga baha, at iba pa.
Nakakatakot kung iisipin na lahat tayo ay exposed sa mga ganitong kasamaan dito sa mundo. At para sa iba, ang mga ganitong pangyayari ay nagdudulot ng anxiety, fear, at panic attacks. Kaya naman may ilang mga tao na gumagawa ng paraan para sila maingatan mula sa mga panganib. Nariyan ang pagkuha ng mga life at health insurance, paglalagay ng mga anting-anting sa bahay, pagsusuot ng lucky charms, at maging ang pagkonsulta sa mga manghuhula. Pero, paano nga ba tayo tunay na makakasigurong tayo ay ligtas laban sa panganib?
Sa Awit 91, mababasa natin ang isang panalangin ng proteksyon at ang sikreto upang manatiling ligtas sa kahit anong panganib — ang pananatili sa presensya ng Diyos (v. 1). Ang tunay na proteksyon natin ay nanggagaling kay Lord. Tulad ng isang inahin na tinatakpan ng kanyang mga pakpak ang kanyang mga anak, ganito rin tayo iniingatan ng Diyos kung tayo ay nagtitiwala at nagpapasakop sa Kanya (v. 4). Consequently, kapag tayo naman ay nagpapatuloy sa kasalanan at hindi nagpapa-cover kay Lord, lumalabas tayo sa protection Niya, and we expose ourselves to harm.
Alalahanin natin na walang ibang makapagliligtas sa atin kundi ang Diyos lamang. Si Lord ang ating matibay na muog at kanlungan (v. 2). Nais ng Diyos na sa Kanya tayo tumingin at umasa, at hindi sa mga bagay dito sa mundo.
Pangako ni Lord para sa lahat ng nananatili sa Kanyang lilim na iingatan Niya sila laban sa sakit, salot, panganib, aksidente, kadiliman, sakuna, at anumang atake ng mga kalaban. Kaya kung ikaw ay na kay Cristo, i-claim mo ang benefits ng Awit 91. Covered at protected ka!
LET’S PRAY
Lord, in Your presence, I am safe and protected. Help me to abide in You always. Thank You for always being by my side. Amen.
APPLICATION
Na-encourage ka ba sa devotional na ito? Share this with your friends and family. Download the Tanglaw app to receive your daily dose of inspiration from God’s Word.