18
JANUARY 2025
Ang Panginoon ang Ating Pampalakas

Puso ko’t kaluluwa kung nanghihina man, ang Diyos ang lakas kong tanging kailangan.
Awit 73:26
“To be able to walk and to care for myself.” Iyan ang goal ni Jean na ipinaskel ng kanyang nurse sa kanyang hospital room. Araw-araw, sa loob ng isang buwan, ay binasa ito ni Jean habang naka-confine siya after her stroke. It was her reminder to not give up no matter how difficult the rehabilitation planned for her was.
Pero higit sa hangad na makalakad, makakain ng walang tulong at magawa ang iba pang basic daily tasks, inihanda na ni Jean ang kanyang sarili kung sakaling dumating ang kamatayan. Isang clot ang naka-lodge in an inoperable area of her brain. She knows that she is living on borrowed time … tulad nating lahat sa mundo.
Paano pinalakas ni Jean ang kanyang sarili at ang kanyang kalooban? Dahil sa kanyang personal relationship with Jesus Christ, inisip niyang magpasalamat sa Diyos for giving her a second chance to live. Kalakip ng kanyang personal goal, ang daily encouragement niya sa sarili ay, “Puso ko’t kaluluwa kung nanghihina man, ang Diyos ang lakas kong tanging kailangan” (Awit 73:26).
Marami sa ating mabilis ma-discourage at mawalan ng pag-asa when we receive a not-so-good health diagnosis, lalo na kung ito ay ang dreaded cancer. Hindi lamang ang mismong sakit ang ating big issue. Iniisip din natin ang malaking gastusin sa pagpapagamot at ang perwisyo sa ibang tao na mag-aalaga sa atin.
Kaibigan, if you have a serious health issue, bakit hindi mo palakasin ang iyong sarili at kalooban at paghandaan ang iyong future? Ang ating Panginoong Jesus ay naghihintay sa iyo at nagsasabing, “Ako ang nagbibigay-buhay at muling pagkabuhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay; at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman” (Juan 11:25–26).
Sa buhay na ito, marami mang mawala sa atin, mananatili tayong may pag-asa dahil nangako ang Diyos na hindi Niya tayo iiwan. Sa piling Niya, hindi tayo mawawala. Thank you for joining us in our series “Kapag May Nawala sa ‘Yo.” Huwag kayong mawawala bukas. Kita-kits!
LET’S PRAY
Salamat, Panginoon, at hindi Ka nagsasawang alagaan ako. Palakasin Mo po ako at ipaalala sa akin ang Iyong mga pangako.
APPLICATION
Kailangan mo ba ng makakausap? I-click lang ang icon na Chat With Us para maka-chat ng live ang ating prayer counselors.
SHARE THIS QUOTE
