19

JANUARY 2025

How Disappointing

by | 202501, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Joshene Bersales

Bagama’t di namumunga ang puno ng igos at hindi rin namumunga ang mga ubas, kahit na maantala ang pamumunga ng olibo at walang anihin sa mga bukirin, kahit na mamatay lahat ng mga tupa at mawala ang mga baka sa kulungan, magagalak pa rin ako at magsasaya, dahil si Yahweh ang Diyos na magliligtas sa akin.

Habakuk 3:17–18

Imagine this: May project na ibinigay sa iyo, tapos nasimulan mo na siya and nakapagbigay ka na ng recommendations kung paano ito mai-improve. Nagustuhan ng client ’yung suggestions so inimplement niya ito. Then biglang last minute, binawi niya sa iyo yung project and ibinigay sa iba. Lahat ng pinaghirapan mo, nabalewala. Nakaka-disappoint, di ba?

Hindi laging fair ang mundo. Yung sa tingin mong deserve mo, hindi mo nakukuha. O nakuha mo nga, babawiin naman sa iyo. Ano na lang ang gagawin mo? Magmumukmok? Magtatanim ng sama ng loob? Magpe-pray na sana mag-fail yung nang-agrabyado sa iyo?

Silipin natin ang prayer ni prophet Habakuk. Ang dami niyang inilistang bagay na puwedeng pagmulan ng disappointment. Hindi namunga ang mga puno ng olibot ubas. Namatay at nawala ang mga tupat baka. Lahat ng ito, important sa survival at livelihood ng mga tao during his time. Pero anong sabi niya? Kahit na mawala ang mga ito, magsasaya pa rin siya dahil ililigtas siya ng Diyos. Meron pa ring dahilan para magalak. Ang Diyos ang magliligtas sa kanya! At Siya rin ang magliligtas sa atin.

Centuries later, makikita natin ang fulfillment ng promise na ito kay Jesus. He came to the world para iligtas tayo, hindi lang sa disappointments kundi pati sa ating mga kasalanan. And this is more than enough reason para magsaya, kahit nadi-disappoint tayo sa ibang tao.

Binawi sa iyo ang project na pinaghirapan mo? May ine-expect kang good news pero bad news pala? Umasa ka pero you were left hanging? Chin up! Walang disappointment ang makakatalo sa satisfaction na ibibigay ni Lord sa atin if we put our trust in Him.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, minsan may disappointments na nagpapasama ng loob ko. Tuwing mangyayari ito, please help me find joy in You. Ipaalala Mo sa akin na as long as I have You, puwede akong magalak at magsaya. Amen.

APPLICATION

Tupiin sa gitna ang isang pirasong papel. Sa left half nito, isulat ang lahat ng recent disappointments mo. Sa right half, maglista ng promises ni Lord na makikita sa Bible. Then sing a song of thanks dahil sa promises na ito.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 1 =